MALAPIT nang maranasan ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa mga malalayong lugar at mga isla sa Central Visayas ang standard classrooms sa ilalim ng programang “Last Mile School” Department of Education (DepEd).

Sa pagbabahagi ni Salustiano Jimenez, OIC regional director ng DepEd-7, naglista ang ahensiya ng 11 “last mile schools” sa rehiyon bilang prayoridad na proyekto sa ilalim ng programa.

Pagpasok ng 2020, nasa 11 public schools – lima sa Cebu, tatlo sa Bohol at tatlong sa Negros Oriental – ang magsisimula na ng procurement process para sa pagtatayo ng mga bagong gusali na may katulad na istruktura at dimesyon sa mga paaralan na makikita sa bayang distrito, dagdag pa ni Jimenez sa ginanap na forum na pinangunahan ng Philippine Information Agency (PIA-7) nitong Martes.

Gayunman, hindi pa kasama ang mga paaralan sa Siquijor sa mga malalayong lugar para sa implementasyon ng programa sa darating na 2020.

Sa ilalim ng General Appropriations Act, naglaan ang pamahalaan ng P1.5 billion para sa last mile schools, kung saan P75 million ang nakalaan para sa Central Visayas, aniya.

Nakipagtulungan din ang ahensiya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagtatayo ng mga last mile schools, saad pa nito.

Gayunman, sa mga paaralan na walang “bid taker”, hihilingin ng DepEd-7 ang local government units o ang Army’s Engineering Brigades para sa konstruksiyon ng mga gusali sa malalayong lugar.

Maging ang mga principal ng mga paarala, aniya, ay may karapatan na iimplementa ang last mile school projects kung walang contractor na magbi-bid para sa konstruksiyon.

“Aside from the building, furniture and training for the teachers will also be provided. We will be focusing more on the instructions,” ani Jimenez.

Samantala, sinabi naman ni Tomas Pastor, hepe ng Education Support Services Division of DepEd-7, na ang last mile school program sa ilalim ng pamamahala ni Education Secretary Leonor Briones ay may layong maiwasan ang kalimitang nararanasan nila sa mga pampublikong paaralan sa mga malalayong lugar.

“In upland villages, schoolchildren walk several kilometers just to reach their schools. Secretary Briones not only saw the issue on the distance but also the ambiance that the children got when they reach the school where they saw makeshift facilities. The national government is now working on it so that no one gets left behind especially in giving facilities up to the last miles of the region,” pahayag ni Pastor.

PNA