TARGET ni 2018 Asian Games pencak silat bronze medalist Cherry May Regalado na pangunahan ang Philippine Team sa dominasyon sa 30th Southeast Asian Games.

Ang SEAG gold ang tila mailap sa kanyang pangarap na makamit sa international kompetisyon.

“Hindi ko po napigilan ang pag-iyak noong 2017 SEA Games (in Kuala Lumpur) kasi po alam ko na magkaka-medal ako. Hindi po ako nag-give up at sinabi ko po sa sarili ko na patutunayan ko sa kanila na nagkamali sila ng judging,” ayon sa 24-anyos na si Regalado patungkol sa kabiguan makatungtong sa podium.

Tubong Aklan at nagtapos na kursong Nutrition si Regalado sa Aklan State University sa Banga, Aklan na nahilig sa nasabing combat sports noong siya ay 16-anyos pa lamang.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinubukan din niya ang mga sports na athletics at volleyball bago niya tuluyang seryusohin ang pagsasanay sa nasabing martial arts kung saan pinilit niyang maging bahagi ng national team at makilala sa sports.

“Alam ko po na marami pang pagkakataon na ibibigay sa akin. Tiwala lang po sa sarili,” ayon kay Regalado.

Sisikapin niyang makuha ang gintong medalyang inaasam sa pagsabak sa SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“know this time, all countries have prepared hard, too. We are all expecting to break our previous record of one gold medal last SEA Games. Of course, more than one is better. With the help of my team, my NSA (Philsilat Association), my coaches and the Philippine Sports Commission, nothing is impossible,” aniya.

-Annie Abad