OPTIMISTIKO ang koponan ng Philippine Soft Tennis sa pagsabak nito darating na 30th Southeast Asian Games ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

An g koponan ay pangungunahan ni Joseph Arcilla, Noel Damian Jr., Bien Zoleta-Mañalac at Princess Catindig na kabilang sa sumabak sa 16th World Soft Tennis Championships na ginanap sa Taizhou, Zheijang na lalawigan ng China.

Ang soft tennis team na binubuo ng anim na kalalakihan at limang kababaihan na sumabak sa world championships n a m a t a t a p o s bukas Nobyembre 1 ay sasabak sa mga events na men’s & women’s singles, men’s & women’s doubles, mixed doubles at men’s & women’s team event.

U m a a s a n a m a n s i P h i l i p p i n e S p o r t s C ommi s s i o n ( P S C ) Chairman William “Butch” Ramirez na maibabalik ng mga national sports associations (NSAs) ang lahat ng suportang kanilang ipinagkakaloob sa mga ito sa pamamagitan ng magandang performance at pagbibigay ng karangalan sa bansa sa kampanya ng bansa para sa biennial meet.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“A strong showing is all we’re hoping for. We have identified the medal potentials among them. But we also expect surprises from some others,” pahayag ni Ramirez.

Walong taon na hidi sumabak ang koponan sa SEA Games at umaasa ang koponan na sa pamamagitan ng kanilang pambato na sina Arcilla at Zoleta-Manalac. ay malalampasan nito ang dating perforamnce noong 2011 SEA Games na ginanap sa Palembang Indonesia, kung saan nag-uwi ng isang silver at limang bronze medals ang koponan.

K a b i l a n g d i n s a sasandalan ng koponan ay sina Catindig, Bambi Zoleta, Erdilyn Peralta, Damian Jr., Mark Anthony Alcoseba, Mikoff Manduriao at Dheo Talatayod.

“The Philippine Sports Commission has given our soft tennis players international exposure such as the Korea Cup in Anseong, Taiwan Open, World Cup in China, our test event in Bulacan last month, were the Philippines won five bronze medals despite the presence of powerhouses Japan, Korea and Chinese Taipei with Thailand and Indonesia. So we expect everybody to perform at a high level,”ayon naman sa national coach na si Divine Escala.

-Annie Abad