MULA sa grassroots hanggang sa elite competition, palaban ang mga homegrown swimmers ng Swim Pinas.

TANGAN ni coach Virgi de Luna (gitna) ang tropeo matapos gabayan ang Swim Pinas sa team championship sa PSI Grand Prix Short Course Championship nitong weekend sa Trace Center. Pinangunahan ang koponan nina National junior standout Micaela Jasmine Mojdeh at Jules Mirandilla.

TANGAN ni coach Virgi de Luna (gitna) ang tropeo matapos gabayan ang Swim Pinas sa team championship sa PSI Grand Prix Short Course Championship nitong weekend sa Trace Center. Pinangunahan ang koponan nina National junior standout Micaela Jasmine Mojdeh at Jules Mirandilla.

Nakamit ng Swim Pinas, binubuo ng mga age-group standout mula sa Philippine Swimming League (PSL), ang overall team championship sa katatapos na Philippine Swimming Inc. (PSI) Grand Prix Short Course Championship nitong weekend sa Trace Aquatic Center sa Los Banos, Laguna.

Nagningning sina National junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh, Hugh Antonio Parto at Jules Mirandilla sa nakamit na ‘highest FINA points’ sa kani-kanilang division sa tatlong araw na torneo na bahagi ng serye ng kompetisyon para sa pagpili ng PSI ng mga bagong miyembro sa National Team.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakamit ng 13-anyos na si Mojdeh, tinaguriang ‘Water Beast’ bunsod nang hindi mabilang na tagumpay sa international age-group competition, ang 618 FINA points sa nakamit na apat na ginto at isang silver medal, tampok ang panalo sa 400 Individual Medley sa tyempong 5:03.90.

Nakolekta naman ni Parto ang ‘highest FINA points’ sa 11-13 division sa nakamit na tagumpay sa limang events at dalawang bronze medal, tampok ang 100-meter butterfly (59.93) at 200-meter butterfly (2:14.93).

Hindi nagpahuli ang 16-anyos na si Mirandilla na may 626 FINA points sa napagwagihang dalawang ginto at dalawang silver medal, tampok ang panalo sa 200-m fly para sa 16-18 class (2:06.53).

Nag-ambag din sina Marcus Johannes De Kam na may tatlong ginto, dalawang silver at isang bronze; Jordan Ken Lobos na kumana ng tatlong ginto at isang silver; hataw naman si John Neil Paderes na may dalawang ginto, dalawang silver at isang bronze medal; humirit si Triza Tabamo ng dalawang ginto, dalawang silver at isang bronze, may ambag na isang ginto si Lee Grant Cabral.

Humirit si Marc Bryan Dula ng apat na silver at isang bronze; kumabig sina Yohan Cabana, Ivan Radovan at Jacob Arabes ng tig-isang bronze medal at nag-uwi si Albert Sermonia ng personal best time sa 50-m Free, 50-m Fly at 200-m Free.

Nagwagi rin ang girls team nina Mojden,Tabamo, Sermonia at Isabelle Basa sa 4x-100 freestyle relay at silver medal ang boys team nina Lobos, DeKam, Paderes at Mirandilla.

“Our biggest thanks to our Head coach Virgi De Luna who has been working hard and innovating the program for the kids teaming up with @proj.jek our S&C Coach @proj.performanz,” pahayag ni Joan Mojdeh, team manager ng Swim Pinas.

“And to The Victoria Sports Club for the venue they provide us for weekly training, @tyrphilippines_official for providing the suits and swimming equipments of our team and to Behrouz Persian Cuisine. Lastly, thanks to the hardworking staff of Philippine Swimming Inc. and Mam Lailani Velasco for giving us the opportunities to be part of PSI and for these kids to shine. May God bless all of you!,” aniya.

-Edwin Rollon