INZAI CITY, Japan (AP) — Tunay na markado pa rin si Tiger Woods para sa kasaysayan sa golf.
Napantayan ni Woods, naglaro sa unang pagkakataon matapos ang ikalimang surgery sa tuhod ngayong taon, ang 82 PGA title ni golfing icon Sam Snead matapos angkinin ang Zozo Championship nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Nakumpleto ng 43-anyos ang inulan na torneo sa 3-under 67 para gapiin ang local favorite na si Hideki Matsuyamang tatlong strokes sa Accordia Golf Narashino Country Club.
“It’s just crazy. It’s a lot,” pahayag ni Woods. “I’ve been able to be consistent most of my career. ... Today was one of those days where I was able to pull it out.”
Sumailalim sa arthroscopic surgery si Woods – ikalima sa loob ng dalawang buwan – at naglaro sa kanyang 23rd season sa PGA Tour.
“I can still manage my way around the golf course,” sambit ni Woods. “I know how to play. I was able to do that this week.”
Nasuspinde ang fourth round bunsod nang maagang pagdilim kung saan tangan ni Woods ang tatlong stroke na bentahe kay Matsuyama tungo sa panalo sa unang opisyal na PGA Tour event sa Japan.
Na-bogey niya ang unang par-4 12th hole, ngunit kaagad na nakabawi ng birdies sa Nos. 14 at 18 para sa 19-under 261. Tumapos si Matsuyama na may 67.
Pangatlo si Rory McIlroy, highest ranked player sa torneo, sa 13-under matapos ang 67 kasunod si Sungjae Im na tumapos na may 65.
“It’s been a long week,” sambit ni Woods. “Five days at the top of the leaderboard is a long time,” ayon sa U.S. Presidents Cup captain