WANTED: Koponan na magpapatupi sa National University Lady Bulldogs.

WALANG makapigil sa NU women’s team sa collegiate league

WALANG makapigil sa NU women’s team sa collegiate league

Nahila ng Sampaloc-based cagers ang dominasyon sa UAAP Season 82 at markang ‘longest winning streak’ sa kasaysayan ng team sports sa Pilipinas sa impresibong 109-33 panalo laban University of the Philippines nitong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Nananatiling imakulada ang marka ng Lady Bulldogs sa double-round elimination ng women’s basketball comptitition at napalawig ang winning run sa 92-0.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Buhat sa 18-2 nilang panimula, tinapos ng Lady Bulldogs ang first quarter sa iskor na 35-9.

Hindi pa nagkasya sa nasabing bentahe, ginawa nila itong 51-15 sa pagsapit ng halftime at pinalobo ng hanggang 75 puntos ng makailang beses sa fourth period.

“I’m just happy that yung first group namin delivered from the opening minutes of the game. They had the momentum going and everybody was into our game plan,” ani NU coach Patrick Aquino.

Pinangunahan ni rookie Camille Clarin ang nasabing panalo sa ipinoste nyang 20 puntos at limang rebounds, kasunod si Congolese center Rhena Itesi na may 16 puntos, walong rebounds, tatlong steals, at dalawang assists.

Ikinatuwa rin ni Aquino na kinakitaan niya ang Lady Bulldogs’ bench ng kumpiyansa habang papatapos na ang eliminations.

“I’m also happy that the second five delivered. They’re understanding that they have to perform and execute the same way as the first group,” pahayag ni Aquino.

Nanguna naman si Lulu Ordoveza para sa Lady Maroons na lalo namang nabaon sa ilalim ng standings sa pagbagsak nila sa barahang 1-11 sa ipinoste nitong 8 puntos at 4 na rebounds.

Sa isa pang laban, umangat ang Adamson University sa solong ikatlong puwesto matapos ungusan ang Far Eastern University,61-59. sa larong idinaos sa UST Quadricentennial Pavilion sa Manila.

Naitala ng Lady Falcons ang back-to-back wins na nagtaas sa kanila sa markang 8-4, isa at kalahating laro ang agwat sa kanilang biktima na dumanas naman ng ikalawang dikit na kabiguan.

Muling nanguna sa nasabing panalo si Mar Prado na tumapos na may 26 puntos at 10 rebounds.

-Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

NU (109) -- Clarin 20, Itesi 16, Pingol 15, Animam 15, Surada 14, Cacho 6, Dimaunahan 6, Cac 5, Bartolo 4, Harada 3, Fabruada 2, Goto 2, Del Carmen 1, Canuto 0, Hayes 0.

UP (33) -- Ordoveza 8, Larrosa 6, Hidalgo 5, Gusilatar 4, Pesquera 4, Rivera 3, Sanchez 2, Gonzales 1, De Leon 0, Lebico 0, Lucman 0, Taulava 0.

Quarterscores: 35-9, 51-15, 78-29, 109-33.

(Ikalawang Laro)

ADU (61) - Prado 26, Bilbao 21, Flor 12, Dampios 2, Anticamara 0, Araja 0, Catulong 0, Mendoza 0, Ornopia 0.

FEU (59) - Castro 15, Mamaril 14, Bahuyan 7, Quiapo 7, Jumuad 5, Adriano 3, Abat 2, Antiola 2, Delos Santos 2, Vidal 2, Villanueva 0.

Quarterscores: 12-6, 31-17, 49-39, 61-59

(Ikatlong Laro)

UST (71) - Irebu 13, Ferrer 12, Portillo 12, Gandalla 7, Callangan 6, Panti 6, Tacatac 6, Rivera 5, Soriano 4, Gonzales 0, Javier 0, Sangalang 0.

DLSU (49) - Okoli 11, Dalisay 8, Pastrana 6, Quingco 6, Torres 5, Binaohan 4, Paraiso 4, Sario 3, Revillosa 2, Jimenez 0, Malarde 0.

Quarterscores: 20-11, 38-28, 52-32, 71-49