NAKOPO ng Ateneo ang unang slot sa Final Four ng UAAP Season 82 Juniors Baseball elimination round.

NAGAWANG ma-save ng Ateneo batter ang isang play laban sa NU sa UAAP junior baskeball.

NAGAWANG ma-save ng Ateneo batter ang isang play laban sa NU sa UAAP junior baskeball.

Ginapi ng Ateneo junior batters ang National University-Nazareth School sa loob ng limang innings, 2-0, habang naungusan ng University of Santo Tomas ang De La Salle-Zobel, 4-3, nitong Linggo sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Natapos ang elimination round na tabla ang Blue Eagles, Bullpups, at Jr. Golden Sox na may parehong 4-2 marka, ngunit nakuha ng Ateneo ang No.1 spot sa best-of-three Final series bunsdo nang bentahe sa runfs.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Magtutuos ang NU at UST sa knockout match Martes ng hapon.

“As I said, we are relieved to be in the Finals after all of this but the work is not yet over,” pahayag ni Ateneo Baseball program director Randy Dizer. “We are still the underdogs here against NU and UST. Ang advantage lang namin is we have been playing for the last four years together.”

“Yun yung maganda pag nakakauna ka. Everything’s easier for the pitcher,” ayon kay Dizer