ANTIPOLO – Matikas na bumalikwas ang University of the Philippines Maroons sa 12 puntos na paghahabol sa final period para agawin ang 81-77 panalo kontra Adamson nitong Linggo sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center.

ISINALPAK ni Kobe Paras ang one-handed dunk para pangunahan ang UP Maroons laban sa Adamson. (RIO DELUVIO)

ISINALPAK ni Kobe Paras ang one-handed dunk para pangunahan ang UP Maroons laban sa Adamson. (RIO DELUVIO)

Nanguna si Jun Manzo sa Fighting Maroons sa matikas na paghahabol ng Maroons para mabura ang 72-60 bentahe ng Falcons may 7:10 ang nalalabi sa fourt period.

“Napakaganda ng pinakita niya, not just with his scoring but his leadership inside,” pahayag ni UP coach Bo Perasol, patungkol sa performance ng pamosong Cebuano captain na kumana ng 13 sa kabuuang 17 puntos sa krusyal na sandali bukod sa pitong rebounds at tatlong assists.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Hataw si Manzo sa 16-2 salvo ng UP para agawin ang 76-74 bentahe may 2:19 ang nalalabi, bago nakipagbuno ng todo si Kobe Paras para maselyuhan ang panalo ng Maroons.

Nanguna si Paras na may 21 puntos, limang boards, at dalawang assists para sa UP, tumibay sa No.2 tangan ang 7-4 karta.

Nag-ambag si Juan Gomez de Liano ng tatlong triples para sa kabuuang 15 puntos, habang kumana si Bright Akhuetie ng 12 puntos at 11 boards.

Nakamit ng Adamson ang ika-apat na sunod na kabiguan para sa 4-7 karta.

Iskor:

UP (81) -- Paras 21, Manzo 17, Ju. Gomez de Liano 15, Akhuetie 12, Rivero 7, Ja. Gomez de Liano 5, Tungcab 3, Webb 1, Mantilla 0, Murrell 0, Prado 0, Spencer 0.

ADU (77) -- Chauca 19, Ahanmisi 13, Camacho 11, Lastimosa 9, Manlapaz 5, Douanga 4, Magbuhos 4, Fermin 3, Mojica 3, Sabandal 3, Yerro 3.

Quarterscores: 11-19, 36-37, 57-66, 81-77.