TIYAK na walang pondong masasayang sa paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian Games.

Ito ang walang gatol na paniniyak ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez bilang pagbibigay seguridad sa pangamba ng sambayanan na masasayang ang malaking pondong inilaan sa mga gastusing walang saysay.

Ayon kay Ramirez, tumatalima ang ahensiya sa kautusan ng Pangulong Duterte na siguraduhing tama ang paggastos sa pondong inilaan at siguraduhing tagumpay ang hosting ng biennial meet na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Diksyembre 11.

‘Kung mag-overall champion tayo mas maganda. Pero sa paghahanda natin, we make sure that everything is in place. Walang masasayang na sentimo at siguradong malili-quidate namin ng tama ang lahat,” sambit ni Ramirez.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Aniya, sapat ang mga programa at seguridad na ipinataw ng PSC kasama ang Philippine Olympic Committee (POC), at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa usapin ng procurement ng mga kailangang kagamitan at pagsasaayos ng mga pasilidad.

“Lahat kami nasa isip ang para sa bayan , para sa ating mga atleta,” ayon kay Ramirez.

Kabuuang P7 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa SEA Games hosting, hiwalay pa ang P842 milyon mula sa PAGCOR para maisaayos ang Rizal Memorial Sports Complex, Ninoy Aquino Stadium at Philsports.

“As instructed by the president, we shall shield the athletes to allow them to focus on their training, assist in the country’s hosting of the games by ensuring the proper and timely processing of funds, “ pahayag ni Ramirez.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan din ang PSC sa Department of Budget and Management sa isyu ng disbursement ng pondo, at Procurement Services.

“The PSC receives a request from the PHISGOC, with supporting papers such as the board resolution of its officers approving the said request, in effect making the PSC an initial line of check and balance. It is the DBM that has the final say whether certain transactions pass its thorough evaluation, before it is given a go to process,” ayon kay Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na may nakatakdang pep rally para sa atletang Pinoy upang higit na paalabina ng kanilang morale na magtagumpay sa SEA Games. Inaasahan din na ang pagkapanlao nina Carlos Yulo at Nesty Petencio sa World Championship at lakas na magbibigay sa atletang Pinoy.

-Annie Abad