HOUSTON (AP) — Ngayong nakabalik na sila sa Houston, sisikapin ng Rockets na isantabi ang controversy na bumalot sa kanilang trip sa Asia.

Waring dedma sa kontrobersiya sina James Harden at Russell Westbrook habang nagwa-warmup para sa pre-season game kontra Toronto Raptors sa Saitama, malapit sa Tokyo. AP

Waring dedma sa kontrobersiya sina James Harden at Russell Westbrook habang nagwa-warmup para sa pre-season game kontra Toronto Raptors sa Saitama, malapit sa Tokyo. AP

Ang dalawa nilang game sa Japan ay nasapawan ng alingasaw mula sa tweet ng Houston General Manager Daryl Morey na kunakatig sa anti-government protesters sa Hong Kong, bagay na nagpagalit sa fans at officials sa China.

Sa kanilang unang practice pagkatapos ang pagbabalik, desidido ang Rockets na hindi maaapektuhan ng naturang isyu ang paghahanda para sa papasok na season.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Guys can handle it,” said ni coach Mike D’Antoni. “We still got good work in. Everything’s fine, but you know what happened (is) regrettable, and it happened, but as I said, our work will get done.”

Itinanggi ni veteran P.J. Tucker na nakakagulo ang kontrobersiya sa team na nais masila ang unang title mula nang back-to-back championships nito noong 1994-95.

“Not really, honestly,” giit ni D’Antoni. “This time of season, everybody’s getting in shape, getting ready for the season, focusing in. So with all of the things that go on in life, and whatever, this is still our job, so we still come in and do our job every single day.”

Nasa Hawaii ang Rockets Okt. 4 para sa preseason game kontra Los Angeles Clippers sa unang leg ng trip, kung saan kasama ang dalawng two game sa Japan, nang mag-tweet si Morey: “Fight For Freedom. Stand With Hong Kong.”

Na-delete agad ang tweet matapos ma-post, at pinagalitan ni Rockets owner Tilman Fertitta si Morey. Sa tweet ni Fertitta, giniit niya na hindi nagsasalita si Morey para sa buong team. “Our presence in Tokyo is all about the promotion of the NBA internationally and we are NOT a political organization,” dagdag niya.

Ngunit huli na ang paliwanag ni Fertitta. Binatikos ni dating Rockets star Yao Ming ang tweet ni Morey. Bilang president ng Chinese Basketball Association, sinuspinde din ni Yao ang relasyon nito sa Rockets.

Ang mga events sa China na nagpo-promote ng Lakers-Nets games ay kinansela, sinabi ng NBA media partner Tencent na pinag-iisipan pa nito kung iko-cover ang liga, at hindi inere ng China state broadcaster CCTV anumang preseason game