IPINAHAYAG ni Senator Sonny Angara – nagamyenda sa naisabatas na Athletes Incentives Act – ang paghahain ng dalawang resolusyon para pagkalooban ng pagkilala sina gymnasts Carlos Edriel Yulo at boxer Nesthy Petecio.

ANGARA: Suporta sa atleta.

ANGARA: Suporta sa atleta.

“Over the weekend, Carlos and Nesthy gave the entire nation two huge reasons to celebrate with their individual accomplishments in the fields of gymnastics and boxing. They have instilled so much pride in Philippine sports and served as inspiration to our athletes to excel in their respective fields,” pahayag ni Angara, tumatayo ring Chairman ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).

Nakamit ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise ng 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships kamakailan sa Hans Schleyer Halle sa Stuttgart, Germany – isa sa qualifying meet para sa 2020 Tokyo Olympics.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

Ang 20-anyos na si Yulo ang unang Pinoy na nagwagi sa World meet at unang Pinoy gymnast na makalalaro sa Olympics.

Nauna rito, nagkwalipika rin si pole vaulter EJ Obiena sa Tokyo Olympics nang lagpasan ang Olympic standard 5.80-meter sa nagawang 5.81 meters sa torneo sa Chiara, Italy.

“We now have at least two qualifiers for the 2020 Tokyo Olympics. With the way Yulo and Obiena have performed, we are all looking forward to seeing them compete with the best in the world in the quadrennial games,” sambit ni Angara.

Nagwagi rin ng gintong medalya si Petecio nang gapiin si local et Liudmila Vorontsova sa featherweight division final ng 2019 Aiba Women’s World Boxing Championships sa Ulan-Ude, Russia, ngunit kailangan pa niya nbg karagdagang puntos para sa Olympics qualifying.

Bukod sa pagkilala, makatatanggap sina Yulo at Petecio ng cash incentives batay sa Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act na pinalawig ni Angara. Tatanggap si Yulo ng P500,000 bukod sa kalahating milyon na ibibigay ng Philippine Sports Commission.

Tatanggap naman si Petecio ng P1 milyon, habang ang kapwa boxer na si Eumir Marcial ay may  P500,000 matapos magwagi ng silver medal sa men’s middleweight division ng world tilt.

Bukod sa RA 10699, isinusulong din ni Angara ang Senate Bill 330 (creating the Philippine High School for Sports) na naglalayong paunlarin ang talento at kaalaman ng atletang Pinoy.