Ano ba talaga ang pormula ni Coach Boyet Fernandez sa San Beda College upang manatiling walang talo ang Red Lions sa 95th NCAA men’s basketball?

Sinundot ng Calvin Oftana ng San Beda ang bola mula kay Robi Nayve sa laro ng Red Lions at Blazers Huwebes sa The Arena sa San Juan City. Winalis ng San Beda ang St. Benilde, 95-73. (Rio Deluvio)

Sinundot ng Calvin Oftana ng San Beda ang bola mula kay Robi Nayve sa laro ng Red Lions at Blazers Huwebes sa The Arena sa San Juan City. Winalis ng San Beda ang St. Benilde, 95-73. (Rio Deluvio)

Noong Huwebes, winalis ng San Beda ang College of Saint Benilde, 95-73, para paabutin sa 17 games ang winning streak nito.

Ayon kay Fernandez, wala namang siyang special instructions sa kanyang team. “Actually, simple lang ang sinabi ko sa players ko sa halftime: Mahiya naman sila sa sarili nila. They are really playing well in the last 16 games and they will just do a different thing come the 17th game,”

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Medyo pinangaralan niya ang players matapos lumamang ang Blazers sa halftime, 42-41, sa likod ng 13-0 blast.

Natauhan marahil ang Red Lions dahil umarangkada sina Calvin Oftana at Peter Alfaro sa third quarter.

Nagpasabog si Oftana ng 14 points at dinagdagan ni Alfaro ng 9 points para sa 14-0 blast at kumsalas ang Red Lions mula sa 51-51deadlock.

Sinaluduhan naman ni Fernandez ang St. Benilde: “They really came out strong in the first half. For us, we have to go back to basics. Our defense was really lousy, especially our perimeter defense.”

Asam ng San Beda ang outright finals berth sa laban Huwebes kontra Lyceum of the Philippines University, ang team na tinalo nito sa dalawang championship series.

Top scorer para sa Red Lions si James Canlas na may 21 points, nine rebounds at seven assists.

Gumawa ng 23 points si Justin Gutang para sa Saint Benilde, na may 7 talo at 9 panalo.

-Waylon Galvez