LAS VEGAS – Isa pang Pinoy sa katauhan ni Edward Heno ang magtatangkang mapabilang sa listahan ng mga world champion ng bansa sa pakikipagtuos kat reigning World Boxing Organization (WBO) light-flyweight champion Elwin Soto ng Mexico sa Oktubre 24 sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California.

At tulad ng mga kababayan niyang nagtangkang sumikat sa US, pinagkaloobna siya ni Ed Dela Vega, pamosong Pinoy US-based orthodontist, ng ispesyal na ‘mouthpiece’.

Ang pamosong orthodontist ang gumawa ng mouthpiece sa lahat ng laban ni Senator Manny Pacquaio, gayundin ng iba pang Pinoy fighters na sumabak sa Amerika.

“I do them myself in house I have a small lab but it’s equipped with most of what i need kaya mabilis ang service. Besides Sunday so no patients to be worried about Full focus sa kanya so tapos agad,” pahayag ni Dela Vega.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nasa pangangasiwa ni Marty Elorde si Heno na kaagad na sumabak sa ensayo mula nag dumating dito kamakailan. Bahagi ng kanyang ring corner sina trainer Ruel Durano at Erbing Penalosa.

Nakuha ni Heno ang karapatan na hamunin si Soto matapos ang matagumpay na pagdepensa sa kanyang Orient-Pacific title sa tatlong pagkakataon.

Naisaayos ni Sean Gibbons, pangulo ng MP Promotions ni Pacquiao, ang laban ni Heno sa US.

-Nick Giongco