NANAIG ang determinasyon ng Pinoy footballers mula sa Makati FC para ungusan ang Indonesia Muda via penalty para makamit ang boys under-15 squad sa 2019 Malaysia Borneo Football Cup nitong Huwebes sa Kota Kinabalu, Sabah.
Nauwi sa sudden death penalty shootout ang laban nang matapos ang regulation sa scoreless draw.
Nagawang mapigilan ni Pinoy goalkeeper Alfonso Gonzalez ang lahat ng nakaharap sa shootout, habang naitala ni Josh Merinio ang winning penalty para masungkit ng Makati FC ang unang kampeonato sa division na nagsimulang maiasama sa liga noong 2011.
“People in this competition never thought a Philippine team can win, never the less be the crowd favourites,” pahayag ni SeLu Lozano, Makati FC chief executive officer.
“We are focused with our goal on changing the perspective of how football is seen. We continue to dream and having this win gives our athletes something tangible to hold on to and believe in,” aniya.
Bago ang Finals, nanguna ang Makati FC sa elimination tangan ang 10 puntos matapos gapiin ang Smk Kinarut Malaysia, 7-1, Malaya FC Philippines, 2-0, at Smk Beluran Malaysia, 2-0.
Ang torneo ay Tier 3 AFC-sanctioned international youth tournament. Nagsali rin ang Makati FC ng koponan sa boys under-14 (born 2005 or after) at boys under-13 (born 2006).
Pinangasiwaan ang koponan nin a Tomas Lozano, SeLu Lozano, Richard Leyble, Paul Joseph Espinosa at Nii Aryee Ayi.
Nakatakda rin sumabaka ng Makati FC sa Japan Invitational sa Oct. 28 - Nov. 1, Singapore Cup sa Nov. 3-7 at Bangkok 7s sa Nov. 29-Dec. 1.