NASUNGKIT ng University of Santo Tomas ang unang Finals berth sa men’s division ng UAAP Season 82 beach volleyball nitong Miyerkoles sa Sans SM By The Bay.
Nagwagi sina Jaron Requinton at Rancel Varga kontra Adamson University’s Leo Miranda and Jesus Valdez, 21-12, 21-15.
Nagtutuos sa hiwalay na semifinal match ang Far Eastern University at National University. Tangan ng Bulldogs ang 21-13 panalo sa first set nang ipahinto ng tournament official ang laro bunsod ng malakas na kulog at kidlat.
Nauna rito, nakompleto ng Tiger Spikers ang seven-match sweep sa eliminations nang pabagsakin ang tambalan nina Jude Garcia at Kevin Hadlocon ng Tamaraws, 21-18, 22- 20.
Bumagsak ang Falcons sa labanan sa bronze medal sa Sabado. Makakaharap nila ang tambalan nina James Natividad at James Buytrago ng NU matapos sibakin ang Adamson, 21-17, 20-22, 15-11.
Nakamit naman ng University of the Philippines’ Niccolo Consuelo at Louis Gamban ang ika-limang puwesto nang gapiin ang University of the East’s Lloyd Josafat at alternate Al-jhon Abalon, 21-14, 21-16 para sa 2-4 marka.
Nagbabanta naman ang women’s title holder University of Santo Tomas na muling magdepensa sa korona matapos walisin ang elimination round.
Nanaig sina Tigresses’ Babylove Barbon at Gen Eslapor kontra De La Salle’s Tin Tiamzon at Justine Jazareno, 21-16, 21-18, para sa makopo ang No. 1 ranking sa Final Four tangan ang 7-0 marka.
Nakabuntot ang Lady Spikers na may 6-1 marka para sa ‘twice-to-beat semis incentive’ tulad ng Tigresses, nagtatangka para s arecord fourth consecutive title at una sa post-Sisi Rondina era.