WALISIN ang kabuuang siyam na events ang nais na ipamalas ng Philippine Muay Thai team para sa kampanya nito sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Determinado ang koponan na maulit ang overall championship para sa bansa tulad ng naging performance nito noong nakaraang 2005 biennial meet.

Una nang nagpamalas ng galing ang 11-man team ng Muay Thai sa kanilang pagsabak sa mga international games gaya ng Arafura Games na ginanap sa Australia noong nakaraang Abril, pati na sa World Championships na ginanap sa Thailand, East Asian sa Hong Kong at sa World Masters sa Korea kamakailan lamang.

Bilang paghahanda sa nalalapit na 11-nation meet, nakatakdang magsanay ang koponan sa thailand ng kabuuang isang buwan at kalahati at saka babalik upang simulan ang kampanya ng bansa para sa SEA Games.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon sa kay coach National coach Billy Alumno kasalukuyang nagsasanay ang mga Muay Thai athletes sa ilalim ng pamamahala ni SEA Games champion at Olympian na si Arlo Chavez.

Aminado sina sina coach Alumno, pati na ang mga national team members na sina Philip Delarmino at Jenelyn Olsim na nakatulong ng malaki sa kanilang training ang ang pagdagdag ng boxing skills sa kanilang mga nakaraang torneo.

Naniniwala ang koponan na dahil sa mabigat na training na kanilang hinaharap ngayon ay maging isang malaking sandata ito upang kanilang mapataob ang Thailand sa SEA Games.

Magaganap ang Muay Thai competition ng SEA Games sa Disyembre 2 hanggang 3 sa Subic venue kung saan sampung bansa ang maglalaban para sa nasabing kompetisyon, maliban sa Brunei.

-Annie Abad