IBILANG ang badminton sa posibleng sure medal sa 30th Southeast Asian Games.

ANG tambalan nina Pomar at Magnaye.

ANG tambalan nina Pomar at Magnaye.

Iwinagayway nina Peter GabrielMagnaye at Thea Marie Pomar ang bandila ng Pilipinas nang gitlain ang liyamado at No.4 seed Oliver Leydon-Davis at Anona Pak ng New Zealand, 21-9, 21-9, para masungkit ang gintong medalya sa mixed doubles event nitong Linggo sa Sydney International Badminton 2019 sa Australia.

Kinompleto nina Magnaye at Pomar ang kahanga-hangang kampanya sa torneo matapos ang impresibong semifinal victory laban sa No. 5 seed Po Li-Wei at Yu Chien Hui ng Chinese Taipei, 21-13,21-11.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagbunyi ang delegasyon ng bansa at randam ang tagumpay nina Magnaye at Pomar sa Filipino community na sumubaysay sa kanila bunsod nang magkakasunod na malaking panalo kontra Australian sixth seed Michael Soon How Lim at Victoria He, 21-13, 21-13, sa opening round kasunod ang panalo sa local bets na sina Dyan Soedjasa at ustine Villegas, 21-12, 21-16, gayundin kontra Ming Chuen Lim at Yingzi Jiang ng Chinese-Taipei, 21-15,21-17.

Sa kabuuan, produktibo ang biyahe ng Team Philippines, naghahanda para sa 30th SEA Games sa Manila at itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), sa naiuwing isang ginto, isang silver at isang bronze medal.

“We’re using this experience to focus and apply everything that we’ve learn from our recent training in Indonesia…We’re thankful to all our supporters for turning up since the first day,” pahayag ni Magnaye sa panayam ng Badminton Oceania.

Nabigo si Magnaye na makamit ang double gold nang kapusin ang tambalan nila ni Alvin Morada sa men’s doubles finals kontra Taiwanese Chen Xin-Yuan at Lin Yu-Chieh, 9-21, 21-11, 21-15, habang nakamit nina Morada at AlyssaYsabel Leonardo ang mixed doubles bronze.

-Kristel Satumbaga