Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na “sintunado” ang It’s Showtime host nasi Anne Curtis o hindi kasing-galing kumanta gaya nina Morissette Amon o Sarah Geronimo. Ngunit hindi ito naging hadlang para maging perfect concert performer ang actress-TV hoist. In fact, lagi na lang ginagawang katatawanan ang pag-a-attempt nitong gayahin ang ilang singers habang nagho-host sila ni Vice Ganda sa Tawag ng Tanghalan portion sa It’s Showtime.

Anne

Gayunman, sa last concert niya sa Davao City last Saturday, August 31, muling nakatikim si Anne nang pamba-bash mula sa isang netizen na sinabihan siyang tumigil na sa pagkanta dahil ‘di raw maganda ang kanyang boses.

Sa halip na magalit sa komento at maapektuhan sa opinyon ng netizen, isang positive message ang iniwan ni Anne na sinaman pa niya ng isang clip ng kanyang performance sa A Million Dreams mula sa popular Disney musical The Greatest Showman sa kanyang “ ANNEkulit, Promise Last Na ‘To” concert sa Davao City.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Post ni Anne, “A sea of lights! MY FAVORITE PART from last night! Maayong buntag! Daghang Salamat Madlang Davaoeños! Nahigugma ko ninyo! From the bottom of my kasing-kasing! Palihug ayo-ayo always!

“Tonight was a tribute to all the soldiers who have given their heart to serve and protect our people! Sana nag enjoy din po kayo! Till my next visit! Maraming Salamat Davao and Maraming Salamat din sa producers ko for bringing me in to make the Davaoeños happy and a great way to end the kadayawan festival!” sabi pa ni Anne.

Tugon pa ni Anne sa nag-comment: “I am aware that I am not a singer and in fact the whole country has known this throughout my whole career. I never claimed I was. I’m actually vocal na sintunado ako. Although nag-improve na ako throughout the years in fairness to me. Haha.

“The concerts I do are for pure entertainment AND the people who buy tickets and attend my concerts go KNOWING WHAT TO EXPECT. They know they aren’t going to hear a beautiful voice but I do promise them a night full of fun and laughter and that’s why I continue to do what I do, because I know I am able to make people happy. So, yes, this concert is my last tour as its title is ANNkulit, Promise Last na ‘to! But it won’t stop me from singing.”

Sa huli pinayuhan na lang ni Anne ang basher at sinabihan niyang i-unfollow na siya at patayin na lang ang kanyang tv set kapag siya’y nagpi-perform, “para ‘di ka ma-stress”.

-Ador V. Saluta