Isa na namang Gwapulis ang nakatakdang sumabak sa international pageant scene sa Thailand.

Corporal Willy

Si Police Corporal Willy Quinto ang magiging kinatawan ng bansa sa inaugural Mister Working Men International 2019 competition na gaganapin sa Oktubre.

Sabi ni Quinto, malaki umano ang kanyang pag-asang magwagi sa kumpetisyon dahil nakita niya na ang ilan sa kanyang mga makakatunggali sa internet.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Yes! Nakita ko na sila sa Internet at malalakas sila. Pero may laban naman tayo,” lahad ng hunk policeman nang kapanayamin para sa ikalawang anibersaryo ng isang clinic sa Pasig City kamakailan.

Dagdag pa ni Quinto, na nakatalaga sa Valenzuela City, ito ang una niyang sabak sa international pageant, pero nakasali na siya sa national level ng pageantry nang tatlong beses.

“I want to give it a shot for the last time. After my stint in pageant, focus na talaga ako sa pagpu-pulis,” ani Quinto, na limang taon nang nasa serbisyo.

Ngayong buwan ay sasailalim daw si Quinto sa ensayo kaya magiging physically at mentally fit para sa contest.

Nakipagkumpetensiya na si Quinto sa national pageants gaya ng Mister and Miss Philippines, Misters of Filipinas, at Mr. World Philippines.

Bukod sa pageantry, si Quinto ay magiging isa rin sa mga host ng bagong television show na tatalakay sa heroism.

“Para siyang documentary. We will feature modern-day heroes. And we promise to make the show exciting kasi alam naman natin pagdocu minsan boring. Pero this one is exciting,” ani Quinto.

Ang untitled show ay ipalalabas sa Experience TV sa Setyembre.

Nang hingian ng payo para sa mga kalalakihang nagnanais na sumapi sa police force, sinabi ni Quinto na kailangang maging matiyaga.

“You have to be patient all the time. If you are patient, madali mo ng malampasan ang mga struggle sa buhay,” sabi pa ni Quinto.

-ROBERT REQUINTINA