NAGUGULAT ang tao ‘pag nakikita si Jillian Ward dahil at 14 years old, ay dalaga na ang dating child star na nang magsimula sa showbiz ay hindi pa marunong magsulat. Ngayon, sa hitsura at katawan, dalagang-dalaga na ang young actress at kasama niya sina Althea Ablan at Sofia Pablo na ilu-launch ng GMA-7 sa Afternoon Prime ng network na Prima Donnas.
Magugulat din ang viewers dahil mahusay na aktres ang teen star at siguradong magpapaiyak sa Prima Donnas lalo na ‘pag inapi na ng mga kontrabida ng soap sa pangunguna ni Aiko Melendez at Chanda Romero.
Si Jillian bilang si Donna Marie ang panganay sa magkakapatid at hindi nila alam ng mga kapatid niyang sina Donna Belle (Althea) at Donna Lyn (Sofia) na buhay pa ang ama nila, may lola sila at mayaman ang pamilya. Kakaawaan ang hirap na pagdadaan ng mga magkakapatid kaya subaybayan ang pilot ng Prima Donnas sa August 19 na pagkatapos ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.
Ang pakiusap ng supporters ni Jillian sa GMA-7, ‘wag muna siyang bigyan ng ka-love team, ‘wag madaliin ang kanyang pagdadalaga at hayaan muna sa kanyang teenage years.
-Nitz Miralles