PATOK na patok talaga ang mga drama series na gawa ng Kapuso Network dahil hindi lang mga Pinoy ang nanonood nito, pati na rin mga ibang lahi, huh!

kris bernal

Nabalitaan naming pinapalabas pala ngayon sa Kazakhstan ang My Destiny na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Naka-dub ito sa Kazakh at Russian naman ang subtitle.

S ama n t a l a , f i r s t t ime namang magkaroon ng Kapuso shows sa bansang Georgia. Napapanood ngayon sa TV Pirveli ang Impostora ni Kris Bernal. Pinapalabas din tuwing hapon doon ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka ni Yasmien Kurdi, The Stepdaughters nina Megan Young at Katrina Halili, at Haplos nina Sanya Lopez at Thea Tolentino.

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

At hindi lang ‘yan, marami ring GMA shows ang pasok sa iba’t ibang TV channels sa Myanmar. Mapapanood doon ang Kambal Karibal, Inday will Always Love You.

Pinalalabas ang mga programang ito sa tulong ng successful partnerships na hatid ng GMA Worldwide, ang content distribution subsidiary ng Kapuso Network. Kaya kahit saang bansa ka man mapunta, may Kapuso show kang makikita, iba’t ibang lengguwahe pa.

-MERCY LEJARDE