IPINAGPATULOY ni Chris Santiago, panganay na anak ng kilalang film producer, director, writer at cinematographer na si Cirio Santiago ang negosyo ng ama na nagmamay-ari ng Wild Sound Film at co-producer niya ang Hollywood producers ng Home Alone 1, 2, and 3 na pinagbidahan ni Macaulay Culkin.

chris santiago

Pinsan ni Chris ang magkakapatid na Rowell, Randy at Raymart Santiago.

Aniya, “I took up the business of my late father, I produced movies for the foreign market. In the last 20 years of his career was making American films. And now, I make foreign productions that are shot here.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

“Well, what I’m more preparing now is central movies for Netflix and Iflix so, will tell you the titles later, because I have non-disclosure agreement with them (co-producers).

“The last project I did was with channel 2, a co-production with Steven Seagal ‘yung ‘General Commando’. That was my last project with channel 2.”

Nakasalang naman sa pre-production ang latest movie na Escape na pagbibidahan nina Michael McDermott Sr., Marc Roces at Scott Rosenfelt.

Sa Filipino actors ay bibida sa pelikula sina Rhian Ramos, Derek Ramsay at Alexander Diaz sa direksyon ni Pedring Lopez, na ayon mismo kay Chris ay particular ang Hollywood producers kung sino ang direktor at most requested nga ay ang Fil-Am director.

Ang mga naging project na ng Wild Sound Film ay ang General Commander (2019); Showdown in Manila (2016); Operation Rogue (2014) at Angel of Destruction (1994).

Sabi pa ng producer, “That’s what I do and also, I’m a businessman I have also small town lottery in Negros, I’m also from Negros Oriental.”

Samantala, inamin ni Chris na naapektuhan ang negosyo niya sa pagkawala ng STL sa mga probinsya base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil muna ang operasyon ng STL sa buong bansa dahil sa corruption.

Aniya, marami siyang empleyadong nawalan ng trabaho kasama na rin ang co-owners niyang miyembro ng Association of STL Agents of Visayas-Mindanao.

Nag-meeting ang asosasyon kamakailan sa pangunguna ni Rondel Diaz para manawagan kay Pangulong Duterte na maibalik na ang STL.

Ang panawagan ng grupo ay sana maibalik ang STL dahil maraming pamilya ang umaasa sa kanila na hindi rin nila kayang ibigay lahat ng pangangailangan.

Anila, “Kami po na bumubuo ng Assoc. of STL Agents of Visayas Mindanao ay nagpapahayag ng aming suporta sa ginawa ng ating mahal na Pangulo Rodrigo Roa Duterte upang linisin ang anumang kurapsyon sa hanay ng PCSO, STL at iba pang laro nito.

“Nais po naming ipabatid sa mahal na Pangulo at sa lahat ng mamamayan na kami po ang mga korporasyon na sumusunod sa lahat ng alituntunin at patakaran ng PCSO. Wala po kaming shortfall or kakulangan sa aming remittance sa PCSO. Kami po ay sumasailalim sa tamang proseso ng bidding at pagkuha ng aming prangkisa.

“Maaari rin pong maapektuhan ang Revenue ng PCSO sa pagkahinto ng STL sapagkat malaki rin po ang halaga na aming iniaambag dito. Samantalang ang illegal po ay wala kahit singko at walang pakinabang ang ating gobyerno.”

-REGGEE BONOAN