ANG seven years old na si Ramjean Entera ang nagpatawa sa amin sa unang episode ng TheVoiceKids Season 4 na ng matapos niyang kantahin ang NosiBalasi ng Sampaguita at tanungin siya ni Coach LeaSalonga ng, “Alam mo ba kung magkano ang mapapanalunan mo dito sa ‘The Voice Kids’ sakaling manalo ka?” at ang naging sagot ng Ramjean ay, “Opo. Two thousand po.”
Matawa-tawa si Lea sabay tanong uli ng, ”Anong gagawin mo sa two thousand?”
“Ipapapustiso ko po ang Tatay ko,” ang sagot ni Ramjean na lalong ikinatawa ni Coach Lea, pati na rin si Coach SarahGeronimo. Nakakaaliw ang sagot ng bagets, sa true lang.
“Ramjean, ang song choice mo ay ang angas angas although ang boses ay batang-bata at napakainosente pero narinig ko ‘yung parang mayroon nang fighting spirit na nandoon, eh.
“At ‘yun ang talagang hinahanap ko sa mga bata na sumasali dito sa ‘The Voice Kids’. Ramjean, puwede mo ba akong bigyan ng chance na maging coach mo?” sabi naman ni Coach Sarah.
Sinagot siya ni Ramjean ng “opo” kaya napakislot sa kanyang upuan si Coach Sarah dahil sa tuwa.
Kabilang na si Ramjean sa Team Sarah.
Anyway, sa blind auditions din, the three coaches Lea, Sarah together with Bamboo turned their chairs for AlexaSalcedo dahil sa birit cover song nitong OverTheRainbow.
“We think you are special,” sabi ni Bamboo kay Alexa.
Ultimately, Salcedo picked her idol and choose to be part of the Team Lea.
Salcedo was the last contestant of Saturday’s episode. TiffanyVistal, 11, also passed their blind auditions, picking Bamboo as her coach.
This is already the fourth season of the local version of TheVoiceKids na muling umeere ngayon sa Kapamilya network tuwing Sabado at Linggo ng gabi.
-MERCY LEJARDE