PROUD na ipinakilala ng Beautéderm founder-owner and CEO na si Rhea Anicoche Tan ang walong bagong ambassadors ng kanyang products nitong nakaraang Linggo sa Seda Vertis North.Pawang Star Magic artists sina Matt Evans, Carlo Aquino, Ria Atayde, Jane Oineza, Ejay Falcon, Ryle Santiago, Alex Castro at Kitkat, karagdagan sa patuloy na dumaraming endorsers ng Beautéderm na umabot na ngayon sa 40.

(DINDO) Matt, EJ, KitKat, Jane, Rhea, Ria, Carlo, Ryle at Alex

Bago iniharap sa grand launch ang younger generation ng Beautéderm babies ay sina Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez at iba pang veteran stars ang prominenteng image models ng kompanya -- na pawang satisfied users ng mga produkto. Habang papalapit ang 10th anniversary ng kompanya, unti-unti na nilang isinasali sa personal advocacy ng may-ari ang younger Filipinos.

Pero may malaking pagkakaiba si Rhea kumpara sa ibang players sa beauty and wellness industry, hindi lang bottomline o kita ang importante sa kanya, lalong hindi lang gandang panlabas kundi ang paniniwalang nagsisimula ang kagandahan sa wastong pag-aalaga sa sariling kalusugan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

At hindi rin lang ang kalusugan ng katawan kundi maging ang kalusugan ng bulsa o pananalapi.Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit bago pa man magsampung taon ang negosyo ay isa na sa top leaders ng industriya si Rhea.

Hindi lang siya ang gumiginhawa ang buhay kundi maging ang lahat ng mga tumutulong sa kompanya niya.

Aware ang entertainment industry na bukod sa talent fee ay binibigyan niya ng sariling branch o outlet ang kanyang endorsers, at tinuturuan ng entrepreneurship.

Inaamin niya na parang nanay ang role niya sa walong new endorsers niya, pagdating sa passion na maturuan ng wastong pagnenegosyo ang mga ito.

Pero sa rami ng kanyang endorsers, may sariling star si Rhea. Bagamat isinilang sa may-kayang angkan, inspiring ang kanyang buhay.

Dating school administrator ang kanyang ina at naraming negosyo ang kanilang pamilya. Inborn ang kanyang pagiging business-minded, kaya noong maliit pa ay tumutulong siyang magbenta maging sa puwesto ng kanyang ina sa palengke ng Vigan na nagtitinda ng Abel Iloko, ang hinabing katutubong tela.

High school pa lang ay disc jockey (DJ) na siya sa WRR Baguio, kaya Masscomm ang kinuha niya sa college. Naging DJ rin siya ng Yes FM noong kasikatan nina Martin Nievera, Ogie Alcasid at Side A Band, pero na-realize na walang day-off sa media, kaya bumalik siya sa business sector.

Naging vice president for marketing si Rhea ng isang appliance center na lumago nang lumago at noon niya naisip na itatag ang Beautéderm.Ang panimulang puhunan ng kanyang beauty and wellness empire: P3,000.

Isa ito sa common traits ng successful entrepreneurs, willing mag-umpisa sa maliit.Ang unang satisfied buyers ng Beautederm, kuwento ni Rhea, ay nurses at mga nanay na nagrekomenda sa mga kaibigan. Lumago ang kompanya na hindi nagbibitaw ng pera para sa celebrity endorsers si Rhea hangga’t hindi niya napag-iipunan ang ibibigay na talent fee.

Ang Beautéderm ngayon ay mayroong mahigit 1,000 resellers dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa.

Ang unang physical store nito sa Singapore ay tiyak na umpisa pa lamang ng mas lalo pang paglawak ng sakop ng negosyo.Hanggang ngayon ay siya pa rin ang strategist ng marketing department ng Beautéderm. Marketing wizard ang tawag sa kanya ni Korina Sanchez.

Komportable si Rhea Anicoche Tan sa gitna ng mga bituin dahil maningning din ang kanyang liwanag.

-DINDO M. BALARES