BALIK sa kanyang “happy place” si Kris Aquino, base sa video post niya sa Instagram nitong Sabado nang gabi, nang magpaalam siya para makapagpahinga muna.

Kris

Caption ni Kris, “Thanks kuya (Joshua). Thanks Bimb, for allowing me to take this trip w/ @rbchanco & @ bincailuntayao. Thank you Minshare & @unileverphilippines for making a ‘reunion’ I prayed for, a reality on July 20. Bye for now. Flying to my happy place.”

Sa pagkakaalam naming, ang tinatawag niyang happy place ay ang Japan, na paulit-ulit niyang pinupuntahan. Bukod kasi sa malapit lang ito sa ‘Pinas, kasundo niya ang klima at walang polusyon sa nasabing bansa.

Jericho, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita

“Hi, everybody. Were getting a short trip kasi nag-complain kayong lahat sa sobrang kapayatan ko. So aalis nang five nights para ma-relax, mag-try na mag-gain nang konti, because I have a surprise for all of you and am excited because we’re gonna shoot it on Saturday (July 20).

“Something you’ve been all waiting for or something I wanted all of you to see, and yes pumayag na lahat and it’s gonna happen.”

Ang sinasabing shooting ni Kris sa Sabado ay ang bago niyang TVC para sa Unilever, at malaking sorpresa ito para sa followers niya.

Bukod dito ay nakatakda na ring mag-shoot si Kris ng horror movie na entry ng Quantum Films sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan kasama niya si Derek Ramsay, sa direksiyon ni King Palisoc, ang K (Ampon).

Iisa ang katanungan ng lahat, kakayanin pa ba ni Kris ang mag-shooting gayung mahina pa ang katawan niya.

Ang sagot ng Queen of Social Media: “Please watch the whole video because HUMIRIT pa po ako not wanting to give Atty Joji (Alonso) of Quantum Films, @visionerickson and @ jeffvadillo of @cornerstone heart attacks, and with much gratitude to the MMFF 2019 executive committee and those who selected (K)Ampon to be among the 1st 4 chosen entries, mag o-obey po ako sa mga doctors ko. “May checklist sila regarding my health & kung magbibigay sila ng medical clearance for me to shoot a horror. I’ve accepted na may physical limitations na talaga ‘ko... humility has taught me other actresses can credibly play my role.

“Kaya po kayo ang tatanungin ko (since kayo naman ang manunuod)- should I make my return via this horror movie or give way now para makahanap na ng other actress to take my place? Nagtanong ako, so hindi mapipikon sa kung ano man ang sagot.”

Sinabi ni Kris na malinaw sa kanyang “underdog” siya kumpara sa ibang bida sa mga MMFF 2019 entries, na may “regular free TV exposure”, pero inaamin niyang natuwa rin siyang “a door was opened for me after so many had been shut”.

Mismong ang head ng MMFF Selection Committee, ang National Artist na si Bienvenido Lumbera ang may paliwanag kung bakit malaking parte si Kris sa pagkakapili sa K (Ampon): “It’s an interesting script, talks about child who suddenly comes up and claim that she is the daughter of a man that is not the child of man and wife. So that should be interesting to people who have not seen Kris Aquino in any commercial film lately and that is box office attraction.”

May hihirit pa?

-REGGEE BONOAN