MALALAMAN na ngayong gabi ang winners sa 3rd Entertainment Editors Choice (Eddy) Awards na iho-host ni Korina Sanchez sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

Nagbotohan na last Friday pa sa pamamagitan ng secret balloting ang members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), sa patnubay ng managing partner at chief executive officer ng Chan Robles & Company na si Juancho Robles. Tanging ang team lamang ng accounting firm ang nakakaalam sa resulta ng botohan kaya maging ang SPEED ay ngayong gabi rin lang malalaman kung sinu-sino ang winners.

Nominadong best picture ang Citizen Jake, Goyo, Liway, Rainbow’s Sunset, at Signal Rock, at magkakalaban din sa best director ang filmmakers ng mga ito na sina Mike de Leon, Jerrold Tarog, Joel Lamangan, Kip Oebanda, at Chito Roño, respectively.

Sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Kathryn Bernardo (The Hows of Us), Nadine Lustre (Never Not Love You), at Sarah Geronimo (Miss Granny) naman ang nominees for best actress.

Tsika at Intriga

'Nanganak na nang nanganak!' Jowa ni Hajji, nag-sorry dahil sa nakakaintrigang post

S a b e s t a c t o r c a t e g o r y , magkakatunggali sina Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Carlo Aquino (Exes Baggage), Christian Bables (Signal Rock), Daniel Padilla (The Hows of Us), Dingdong Dantes (Sid & Aya), Paolo Contis (Through Night & Day) at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).

Bukod sa winners sa iba’t ibang kategorya, gagawaran din ng parangal sa 3rd Eddys ang sampung tinitingalang alagad ng sining sa entertainment industry. Ang 2019 Eddys Icon honorees ngayong taon ay sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda, at Lorna Tolentino.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, kikilalanin din ng SPEED, katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño, ang unsung heroes sa likod ng kamera.

Ang honorees sa Parangal Sa Sandaan ay sina Maroth de Leon ng LVN Pictures, Digna Santiago ng Premiere Productions, Sampaguita Pictures’ Marichu Vera-Perez Maceda ng Sampaguita Picturee, Armida Siguion-Reyna, Rosa Rosal, Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, at Rustica Carpio.

Anim na special awards naman ang ipamimigay ng Eddys: Ang Joe Quirino Award na igagawad kay Cristy Fermin; Manny Pichel Award kay Ethel Ramos; Rising Producers’ Circle sa Spring Films at T-Rex Entertainment; Producer of the Year ang Star Cinema; Lifetime Achievement Award para kay Elwood Perez; at ang posthumous recognition para kay Dolphy.

-DINDO M. BALARES