REBELASYON para sa mga dumalo sa mediacon ng Sun Life Financial Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships ang love story ng dating presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio, dahil ikinuwento niya kung paano sila naging mag-asawa ni Mr. Cesar Concio.

Iñigo, Enchong, Ms Charo, Piolo, at Matteo

Iñigo, Enchong, Ms Charo, Piolo, at Matteo

Base sa video clips na ipinakita ng Sunlife ay nasa early twenties palang noon si Ms. Charo, na sabi nga niya ay ‘budding artist’ siya noon. Nasa early forties naman na si Mr. Concio at una siya nitong nakita bilang brand model ng isang produkto.

Pakiwari ni Ms. Charo ay na love at first sight sa kanya ang asawa niya, oo naman, ang ganda-ganda kaya niya noong kabataan niya.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Hanggang sa niyaya raw siyang lumabas ni Mr. Concio pagkatapos ng screening ng pelikula niyang Kisap Mata hanggang nagsunud-sunod na ang mga paglabas-labas nila.

“I felt safe naman not knowing na he’s going to Europe pala to propose to the girl he’s in love with,”saad pa.

At nu’ng nandoon na sila sa Rome, Italy ay nanalangin siya sa St. Peter’s Basilica, “I ask God to please bless me with a good husband.”

Hanggang sa lakas loob niyang tinanong si Mr. Concio kung may plano siyang magpakasal pa dahil nga hiwalay naman ito sa unang asawa.

Kaagad naman daw siya nitong sinagot ng, “Yes. In fact I’m thinking of marrying you.” Hindi raw kaagad nakasagot si Ms. Charo at naiba na ang usapan.

Sa kanya pala magpo-propose ng kasal si Mr. Concio na ikina-shock niya kaya hindi muna niya pinansin. Pagbalik daw ng Manila ay nagkanya-kanya muna sila ng buhay na tumagal din ng ilang buwan, kaya naman na-miss ni Ms. Charo ang company ng lalaking nagpabago ng buhay niya.

Hanggang sa tumawag daw si Mr. Concio at niyaya siyang mag-dinner at saka siya tinanong kung kailan niya gustong magpakasal.

Hindi na nagpatumpik-pumpik pa ang lady boss at kaagad niyang sinagot ng, “Autumn (season) would be a good time.”

Ginanap ang simpleng kasal nila sa ibang bansa, sabi nga ni Ms. Charo, “Shocked the Manila Society.”

Habang pinakikinggan namin ang kuwento ni Ms. Charo ay nakaramdam kami ng kilig. Sabi niya, ikinuwento rin niya ito sa writers ng libro niyang My Journey: The Story of Unexpected Leader. Kinilig siyempre ang mga ito, at mababasa ang naturang love story sa Chapter 4.

Anyway, mapapanood ang mga Kaakbay videos sa Sun Life’s YouTube channel, @SunLifePH, simula sa July 13. Sa mga makakapanood ng videos, maaari silang mag-share ng kanilang istorya ng lifetime partnership at ipadala sa @SunlifePH sa YouTube o Facebook, para magkaroon ng tiyansang manalo ng trip for two.

-Reggee Bonoan