MAYROON na ngayong “Tsunami Contingency Plan” ang Batangas, matapos na aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang panukala sa ika-20 regular na sesyon nito, kamakailan.

Sa pagbabahagi ni Batangas Provincial Information Office Chief Jenelyn Aguilera sa Philippine News Agency, sinabi niyang layunin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na maaprubahan ang “Batangas Provincial Contingency Plan for Tsunami”, upang mas maihanda ang lahat ng mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan sa pagharap sa posibilidad ng pananalasa ng tsunami at pinsala nito.

“Sa gabay ng contingency planning, magtataguyod at magpapatupad ng mga polisiya nang sa gayon ay maprotektahan at matiyak ang constitutional rights to life and property,” paliwanag ni Aguilera.

Dagdag pa niya, ang plano ay para rin sa panawagan na pagbuo ng mga lokal na ordinansa at batas, kabilang ang mga panuntunan sa isang unified criteria at checklist upang masiguro na matatanggap ng mga residente ang kanilang kinakailangang tulong sakaling manalasa ang tsunami sa probinsiya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nasa 492 kilometro ang haba ng baybayin ng lalawigan, na sumasaklaw sa isang lungsod, 14 na bayan at 152 na pampang, aniya.

“Ang contingency plan ay magiging aktibo lang kapag nagkaroon ng banta ng tsunami sa lalawigan, na siyang tutukuyin ng DoST-Phivolcs (Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology), na inilahad sa scenario at assessment nito,” ani Aguilera.

Ipinaliwanag din niya na kabilang sa plano ng probinsiya ang paghahanda sa pangyayari kaugnay ng lindol na may lakas na 8.2 magnitude, na maaaring magdulot ng tsunami, at tiyak na maglalagay sa panganib sa mga komunidad na nasa baybayin.

PNA