NAUNGUSAN ng University of the Philippines ang University of Santo Tomas, 1-0, nitong Sabado para mapanatiling buhay ang kampanya sa UAAP Season 81 women’s football tournament sa Circulo Verde pitch.

Naisalpak ni Sofia Dungca ang tanging goal sa laro sa ika-47 minuto, sapat para mahila ang kabig saw along puntos.

Bunsod ng panalo ng UP, nasiguro ng defending two-time titlist De La Salle ang No.1 slot sa May 16 championship match. Ito ang ikaapat na sunod na title appearance ng Lady Archers.

Laglag naman ang Tigresses matapos ang double-round eliminations na may siyam na puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA