IPINAGTANGGOL ng kanyang fans at kahit non-fans ni Alden Richards sa tweet ng isang netizen na nagsabing noong nasa isang simbahan sa Jerusalem ang aktor kasama ang mga Dabakads ng Eat Bulaga ay hindi man lang daw siya nginitian ni Alden at lagpasan pa ang tingin.

Alden Richards copy

Sabi ng fan, ngiti lang ay ipinagdamot pa ni Alden. Mabuti pa raw si Maine Mendoza, na hindi niya nakitaan ng yabang, ayon sa netizen.

Tweet pa ng fan, kung alam lang daw ni Alden kung paano siya nanginig at kabahan nang makita ang aktor, at kung paano siya nagdasal sa Wailing Wall na sana ay ma-grant ang wish niya na pansinin siya nito, pero hindi nga raw siya nginitian man lang nito.

Relasyon at Hiwalayan

Sue at Dominic, mag-jowa na raw: 'Para mag-kiss na kayo, something is happening!'

Pinaalalahanan ang fan, na based in Israel, na dapat na ilagay niya sa lugar ang pagiging fan. Hindi raw meet-and-greet ang ipinunta ng grupo nina Alden sa Holy Land, kaya dapat ay inilagay niya sa tamang lugar ang pagiging fan.

Makikita naman sa series of photos na seryoso sina Alden na nakikinig sa sinasabi ng kanilang priest guide na si Father Jeff Quintela, kaya talagang hindi siya papansinin ng aktor. Lalo na at relihiyoso si Alden, at nasa Holy Land siya, kaya kinalimutan muna nito ang pagiging celebrity.

Samantala, sa Jordan River, ginawa ni Fr. Jeff ang Renewal of Baptism kay Alden at sa iba pang Dabarkads. Mali ang unang balitang sina Alden at Maine ang nakitang lumusong sa Jordan River na puti ang suot, dahil hindi lumusong ang Dabarkads. Kinilig na sana ang fans sa pag-aakalang sabay ang Renewal ang Baptism ng dalawa, pero fake news dahil hindi sila ang nasa kumalat na litrato.

May ipinost pang picture si Alden na nasa Church of the Nativity siya at humalik siya sa inilarawan niyang “Where HE was born. We’re all blessed.”

This week na babalik ang Dabarkads mula sa Holy Land, at tiyak na marami silang dalang kuwento sa kakaibang trip na ‘yun na bigay ni Mr. Tony Tuviera, big boss ng TAPE, Inc.

-Nitz Miralles