MAGKASAMA sa GMA-7 sina John Estrada at Mylene Dizon, pero hindi sa iisang show. Si John ay nasa cast ng Kara Mia bilang si Arthur na asawa ni Aya (Carmina Villarroel) at ama nina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz).

John copy

Si Mylene naman ay kasama sa cast ng Sahaya na gumaganap sa role ni Manisan, ina ni Sahaya (Bianca Umali) at dito ay ma-i-involved siya kay Zoren Legaspi. Balik-Kapuso si Mylene sa Sahaya na magpa-pilot sa Monday, March 14, pagkatapos ng Kara Mia.

Na-interview si John ni Rommel Gonzales sa premiere night ng pelikulang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story at natanong tungkol sa reaksyon niya na pareho na silang nasa Kapuso ni Mylene?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sinabi ni John na may nagbanggit daw sa kanya ng tungkol dito at ang sagot niya, “trabaho ‘yun at kailangan ni Mylene ng trabaho”. Saka pareho silang artista at nagtatrabaho lang.

Sa tanong kung tatanggapin niya ang project ‘pag pinagsama sila ni Mylene, ang maayos na sagot niya, “wag na lang”. Para nga naman wala ng isyu, wala ng intriga.

Samantala, ibinahagi naman ni John ang malungkot na balita na pumanaw na si Boyong Bastion ng Palibhasa Lalake.

Its a sad day for me today. Just found out earlier that our assistant director in ‘Palibhasa Lalake’ passed. He was my Kuya Boyong. Naiiyak nga ako nu’ng naalala ko na sinusundo ako ng taong ito papuntang taping para ‘di ako ma-late at mapagalitan. At isa sya sa dahilan kung bakit ko sineryoso ang pag-aartista, at higit sa lahat name-miss ko ang pag-alaska nitong taong ‘to sa lahat at sobrang nakakatawa siya. We will miss you Kuya Boyong. Rest in peace. You will never be forgotten.”

-Nitz Miralles