BAWAL ang hindi mahusay sa bagong pelikula ng Star Cinema.Magkasama sa unang pagkakataon sa pelikulang Eerie sina Charo Santos-Concio at Bea Alonzo, ang dalawa sa biggest names, prettiest at brightest minds sa local entertainment industry.

Bea, Direk Mikhail, at Charo

Sa panahon ni Charo bilang top executive ng ABS-CBN na-discover at na-develop ang talent ni Bea, kaya aware siya na hindi lang ito basta mahusay kundi highly intelligent at diligent din.

Si Bea lang ang ipinaglakas ng manunulat na ito na tawaging genius maging noong una pa lang namin siyang mainterbyu. Bukod sa likas na talino, bibliophile si Bea.

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

Hindi masalita, pero subukan mong kausapin tungkol sa kahit na anong bagay, nakakamangha ang lawak at lalim ng utak niya.

Sa media conference ng Eerie nitong Sabado ng gabi, inamin ni Charo na simula pa man ay hinangaan na niya ang matalinong pag-atake ni Bea sa bawat role na ginagampanan habang unti-unting lumalaki ang pangalan nito sa showbiz.

Sa kabilang banda, mesmerized naman si Bea sa unang pakikipagtrabaho niya sa kanyang boss. Ang pinakamasuwerte pero deserving na direktor sa sanib-puwersa nila sa Eerie, si Mikhail Red.

Prodigy si Direk Mikhail, anak ng cinema legend na si Raymond Red, na elementary pa lang ay sineryoso na ang visual arts. Sa edad na 15, sumabak na siya sa kanyang unang international film festival sa Germany. Nakabuwelo ang creativity niya sa boom ng indie movies at sa edad na bente-siyete (27) ay unti-unti nang lumilipat sa mainstream cinema at nakikipag-collaborate sa Star Cinema at Singapore-based na Cre8 Productions para sa Eerie.Asian horror-mystery ito, gumaganap si Bea bilang si Pat, clairvoyant na guidance counselor sa isang Catholic all-girls school na pinatatakbo ng madreng ginagampanan ni Charo.

Nakakausap ni Pat ang multo ng isang estudyanteng nagpakamatay pero nagbago ang kanilang paranormal na mundo nang may patayin sa campus.

Pinanood sa media launch ang unang sampung minuto ng pelikula, at isa lang ang maipapayo namin maging sa mahihilig sa horror movies, huwag na huwag ninyong panonoorin ang Eerie nang mag-isa. Ang huling pelikulang napanood namin na ganito ang dating, ang original na The Ring ng Japan.

Hahamunin ng Eerie ang tapang ng mahihilig manood ng horror films simula Marso 27.

-DINDO M. BALARES