IBIBIDA ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang ilalargang MPBL All-Star Weekend sa 11th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Nakatakda ang kauna-unahang MPBL All-Star sa Marso 2 sa MOA Arena.

Kabilang sa mga events na tiyak na magbibigay kasiyahan sa basketball fans ang Three-Point Shootout, Slam Dunk contest, 2-Ball competition, Executive Match at ang North vs. South All-Star game.

Makikibahagi rin sa programa na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC) si Olympics taekwondo gold medalist (exhibition) at St. Benilde College sports director Stephen Fernandez para magbigay ng kanyang saloobin sa programa ng eskwelahan gayundin sa paghahanda ng taekwondo team sa 30th Southeast Asian Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tatayong coach ng North All-Star si Jojo Lastimosa ng Bataan Risers-Zetapro, habang si Don Dulay ng Davao Occidental Tigers-Cocolife ang bahala sa South team.

Ilan sa star players ng liga na inaasahang makikibahagi sina Aris Dionisio ng Manila, Gary David ng Bataan, JR Taganas ng Bulacan, Larry Rodriguez ng San Juan at Paolo Hubalde ng Valenzuela para sa North; Allan Mangahas ng Muntinlupa, Mark Yee ng Davao Occidental, Jeff Viernes ng Batangas, Gab Banal ng Bacoor para sa South.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat, higit ang mga opisyal at miyembro na dumalo sa programa ganap na 10:00 ng umaga. Mapapanood ang TOPS ‘Usapang Sports’ ng live sa Facebook, sa pamamagitan ng Glitter Livestream.