PATUNGO sa Maynila para sa pangakong bakasyon at pamamaysal ang Talaingod girls volleyball team – ang kampeon sa Mindanao leg ng Batang Pinoy.
Ipinangko ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez ang insentibo sa sa sa Talaingod girls – na isa sa mga tribu ng mga Indigenous People na nakibahagi sa grassroots sports program ng pamahalaan.
Isang linggong pamamalagi sa Maynila at sasagutin mismo ng PSC Ang gastusin para sa nasabing byahe.
Ito ang kanyang personal na sinabi Kay coach Bobby Jone Sinco na head coach ng koponan bago magsimula Ang championship game kontra da Davao City noong Pebrero 9 sa University of Mindanao (UM) Tagum gym.
Ang nasabing koponan ng Talaingod ay binubuo ng mga Indigenous Peoples (IP) na may mga edsd na 15- pababa.
“I talked to them before the finals saying `Win or lose, you will go to Manila for one week and play with teams from La Salle, Ateneo and UP’. The are indigenous people but they are the champion,” ayon Kay Ramirez Ang koponan ay mananatili sa Philsports at makatatanggap ng Philippine team jacket, bukod pa sa kanilang lihreng pagkain sa isang buong linggo na pananatili sa Maynila.
“Talaingod is a poor community. These girls lift spirit in the midst of poverty,” dagdag pa ng PSC chief.
Ang Talaingod spikers, ay isang patunay ng pagpatupad bg PSC ng mandato ng Pangulong Rodrigo R. Duterte t na ilapit Ang sports sa mga kabayaan, sa mahihirap na komunidad sa iba’t ibang sulok ng bansa.
-Annie Abad