Tuluyan nang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Rappler CEO and executive editor Maria Ressa para kasong cyber libel, ngayong Miyerkules ng gabi.
Inisyu ang arrest warrant nitong Martes, Pebrero 12, ni Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa, ng Manila Regional Trial Court Branch 46.
Inirekomenda ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kaso laban kina Ressa at dating Rappler researcher Reynaldo Santos, Jr. hinggil sa artikulong inilathala noong Mayo 2012.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni negosyanteng si Wilfredo D. Kengwas, na kinilala sa naturang artikulo na may-ari ng SUV na ginamit ni dating Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial.