Bigong makadalo ang kontrobersyal na 19 marines sa isang gawad-parangal na inorganisa ng United People's Initiative (UPI) nitong Biyernes, Marso 6, 2026, sa Club Filipino, San Juan City, bunsod umano ng naging banta sa kanilang mga seguridad.
Sa eksklusibong panyam ng Balita kay Reina Mercedes Vice Mayor Atty. Harold Respicio na nakiisa rin sa naturang event sa pagkilala sa 18 marines, nilinaw niyang mahirap daw makapag-set up ng kaso laban sa mga bantang nakapaligid sa 18 marines.
“If yung threat is directed sa kanila, na halimbawa ‘Oy papatayin kita,’ pero dapat identified mo kung sino yung nag-threat sa’yo para makasuhan mo. Pero kapag general threat lang ‘yan, mahirap mag-set up ng kaso kasi hindi mo naman naa-identify kung sino yung nagte-threaten eh,” ani Respicio.
Dagdag pa niya, “Pero in any case dapat ma-establish muna na valid yung threat.”
Paglilinaw pa niya, maaari din daw na maituring na general threat ang natatanggap ng 18 marines magmula nang isapubliko nila ang kanilang mga pahayag hinggil sa male-maletang pera na natanggap ng ilang politiko.
“Well I think at this point, yung mga threat na ‘yan is just a general threat. They are not less of a threat, pero they are still a threat,” giit niya.
Saad pa niya, “Pero mahirap mag-estbalish ng threat kapag hindi mo alam kung saan nanggaling yung threat. Especially if word of mouth lang yung threat, chismis-chismis lang pero galing sa intelligence yung thereat, ayun mahihirapan ka mag-estbalish ng case.”
Matatandaang noong Pebrero 24 nang lumantad ang 18 marines na kabilang umano sa mga kasamahan retired Marine TSgt. Orly Guteza bilang security personnel noon ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.
KAUGNAY NA BALITA: Dating mga kasamahan umano ni Orly Guteza sa pagdadala ng male-maletang pera, lumantad!