DAVAO CITY –Magsasagawa ng balasahan ang Police Regional Office-Region 11 (PRO-11) sa lahat ng tauhan nito, lalo na sa mga mayroong kaanak na kumakandidato sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Ito ang inihayag kahapon ni PRO-11 regional director, Chief Supt. Marcelo Morales.

Layunin aniya nito na maiwasang magkaraoon ng partisan ang mga pulis na may mga kamag-anak na tumatakbo sa kanilang area of responsibilirty.

Paglilinaw nito, ililipat lamang nila ng puwesto ang mga ito sa nasasaklawan pa rin ng rehiyon.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

"This to prevent policemen influencing people because of their relative politicians," aniya.

Binalaan na rin nito ang mga opisyal ng pulisya sa lungsod at lalawigan na “huwag maki-alam sa pulitika sa kani-kanilang nasasakupan at palaging pairalin ang disiplina at propesyunalismo sa kanilang trabaho”.

Ayon aniya sa ethical doctrine ng Philippine National Police (PNP), hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon ang mga awtoridad sa pagbibigay nila ng serbisyo sa publiko, anuman ang partidong kinaaniban ng mga ito.

Nakatuon na rin aniya ang mga tauhan nito sa security preparations, election watch list areas (EWAs) at elections related incidents (ERIs) sa mga nakaraang halalan at insurgency situation sa rehiyon.

-ARMANDO B. FENEQUITO, JR