SA kanyang solo presscon for The General’s Daughter, ibinunyag ni Angel Locsin kung bakit inabot ng limang taon bago siya nakagawa muli ng teleserye sa ABS-CBN.

Angel copy

Ayon sa aktres, may kasunduan daw siya with ABS-CBN na hindi siya puwedeng tumanggap ng teleserye habang ginagawa ang pelikulang Darna.

“Noong gagawin ko po dapat ‘yung Darna, meron kaming agreement ng ABS na hindi ako tatanggap ng ibang project hangga’t ginagawa pa ‘yung Darna.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Dahil umabot nga po tayo ng lampas limang taon yata, ‘yung preparation ng Darna, na-delay nang na-delay.

“Though nakakagawa ako ng guestings, ng pelikula, pero ‘yung teleserye, not allowed. At may agreement naman po kami sa ganu’n, kasi mahirap. Very physical at saka ‘yung schedule na kailangan, medyo challenge kaya natagalan nga siya.”

Hanggang sa madiskubreng mayroong disc bulge in her spine si Angel, the reason why she wasn’t able to push through with the project. At ipinalit nga si Liza Soberano na kanyang replacement bilang Darna.

Isa pang rebelasyon mula kay Angel, bago pa man daw i-announce ng ABS-CBN that Angel will play the role of Darna, she already thought about turning down the lead role. Mas gusto pa nga raw niyang gampanan ang character ni Valentina, Darna’s arch-nemesis.

“Sinabi ko naman talaga sa kanila noon pa na baka it’s time na ibigay sa iba (ang Darna role). Nagsabi pa nga ako na gusto ko maging Valentina noon, ayaw nila. Hindi nila tinanggap. Bago pa ito, bago pa namin i-announce na gagawin ang Darna sa ABS-CBN.”

Subali’t maaksiyon din ang bago niyang Kapamilya series, ang The General’s Daughter, and requires her to do action stunts.

Aniya, may go-signal naman daw ng kanyang physical therapists to do these stunts as long as she is very careful.

Hindi kaya magkaroon muli siya ng health problems kapag itinuloy niya ang paggawa ng stunts sa TGD?

“Alam mo ‘yung meron kang unfinished, o meron kang kinukuwestiyon sa sarili mo na gusto mong i-prove. Gusto ko ring i-prove sa sarili ko na kaya ko and ang dami kasing nagme-message sa akin sa Instagram, sa Twitter na same condition, nahihirapan sila.

“Maybe, kapag nakita nila na pagka-kaya, medyo matagal na naman, baka mabuhayan din sila ng loob na hindi pala. Hindi pala end ito ng activities ko, kailangan ko lang maging extra careful,” paliwanag pa ni Angel.

-Ador V. Saluta