WALANG VIP sa Games and Amusement Board (GAB) para sa pagpapatupad ng regulasyon ng ahensiya na nangangasiwa sa professional sports sa bansa.
Sa nagkakaisang desisyon ng GAB Board, pinatawan ng tatlong buwang suspensyon sina international fighters Rolando Magbanua at Eugene Lagos bunsod nang paglabag sa Rules and Regulation na itinatadhana ng ahensiya sa professional boxing.
Nilagdaan nina GAB Chairman A b r a h a m ‘ B a h a m ’ M i t r a a t Commissioners Mario Masanguid at Atty. Eduard Trinidad ang Resolusyon batay sa ‘Motu Proprio Complaint’ sa pagsuspinde sa dalawang fighters na may petsang Disyembre 17, 2018.
Nauna rito, pinagsumite ng GAB ang dalawa nang paliwanag hingil sa kontrobersyal na kanilang sinangkutan, ngunit hindi naging katangap-tangap ang kanilang depensa sa GAB Board.
“The GAB Board unanimously approved a resolution suspending two professional boxers Rolando (Magbanua) and Eugene (Lagos). Hindi naman katanggap-tangap yung depensa nila na hindi nila alam yung regulasyon ng GAB,” pahayag ni Mitra.
Batay sa record, nakatakdang lumaban si Magbanua noong Pebrero 16,2018 sa Riverside Parkway sa Austell, Georgia, ngunit hindi natuloy bunsod ng kakulangan sa paghahanda at suliranin sa pagkuha ng US visa.
Ayon sa matchmaker ni Magbanua na si Robert Yanez, nalipat ang laban sa Marso 21, 2018, ngunit sa ibang karibal.
Hindi ito, pinayagan ng GAB bunsod nang kakulangan sa mga kailangang dokumento.
Ngunit, sa impormasyon na natanggap ng Boxing and other Contact Sports Division ng GAB, napagalaman na tumuloy sa laban si Magbanu na ginanap sa Fantasy Springs Casino sa California, USA sa kabila nang kawalan ng ‘written authority’ mula sa ahensya.
“Article 23 of the Rules and Regulations states that ‘before a professional Filipino boxer may be allowed to engage in a title fight or non-title fight abroad, hemust secure a written Authority to Fight signed by the Chairman or his authorized Member of the Board or Representative,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressman.
Sa kaso naman ni Lagos, matapos matalo sa kanyang laban nitong Pebrero 9 via unanimous decision sa Dallas, Texas via unanimous decision sa Bomb Factory, Dallas, Texas, inirekomenda ng Texas Boxing Commission ang 30 araw na day-rest period.
Sa kabila nito, lumagda ng bagong kontrata si Lagos para sa non-title fight sa Marso 22, 2018 sa Fantasy Springs, USA
Sa kabila ng kawalan ng ‘letter of authority’ mula sa GAB, itinuloy ni Lagos ang nakatakdang laban nitong Marso 22, 2018 kung saan nanalo siya via knockout kontra Emilio Sanchez.
“Both boxers were ordered to submit explanation why they should not be held administratively liable for participating in unauthorized fights abroad. Eventually, GAB did not recognize their defence that they did not know the requirements that must be submitted because it was the responsibility of their matchmaker.
“Patuloy po tayo sa GAB na nagmamasid at nagpapatupad ng regulasyon,. Para rin naman ito sa boxing at mga local fighters,” sambit ni Mitra.
-Edwin Rollon