Ni EDWIN ROLLON

MAY maasahan ang atletang Pinoy sa Go for Gold.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

NAGBIGAY ng kanilang pananaw sa sports program sina Go For Gold officials (mula sa kanan) coach Ednalyn Hualda at general manager Jeremy Go sa ‘Usapang Sports ‘ ng TOPS na pinamumunuan ni Ed Andaya ng People’s Tonight.

NAGBIGAY ng kanilang pananaw sa sports program sina Go For Gold officials (mula sa kanan) coach Ednalyn Hualda at general manager Jeremy Go sa ‘Usapang Sports ‘ ng TOPS na pinamumunuan ni Ed Andaya ng People’s Tonight.

Ipinahayag ni Powerball Vice President for Marketing Jeremy Go na mananatili ang paglilingkod ng kompanya para suportahanan ang pangarap ng mga atleta na maging world class sa kanilang sports.

 “Our company, Go for Gold will continue our role to help in the promotion of sports in the country, especially those we have identified as potential sources of gold medals,” sambit ni Go sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club Bldg. sa Intramuros, Manila.

“Maraming magagaling, maraming talentadong mga atleta sa iba’t ibang sports. Kailangan lamang nating linangin at pag-ibayuhin ang kanilang mga training dito at sa labas ng bansa,”pahayag ni Go, dati ring cycling campaigner.

Nilinaw no Go na ang tinutulungan ng Go-For-Gold ay mga atleta na deserving, ngunit hindi na sakop nang financial assistance ng Philippine Sports Commission (PSC).

 “We admit that PSC’s support is vital to sports development. Pero alam din natin na hindi lang gobyerno, kundi pati private sector ang kailangang kumilos,” aniya.

Sinariwa ni Go ang panahon kung paano na-involed ang kompanya sa sports.

 “We started in cycling. And now we’re trying to help in other sports as well,” pahayag ni Go.

Ilan sa national sports association na tinutulungan ng Go for Gold ang Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF), at Philippine Sepak Takraw Association, Inc. (PSTA).

“In PCKDF’s case, we supported their women’s team which competed in the prestigious 2018 ICF World Dragon Boat Championships in Gainesville, Georgia last September.

And I was told most of the gold medals came from mixed competitions where the women competed,” ayon kay Go.

Umayuda rin ang Go for Gold sa wrestling ni MMA champion Alvin Aguilar.