PINAKILIG ng Korean star na si Lee Jong Suk ang lahat ng dumalo sa kanyang unang fan meeting sa Manila.
Sinagot kasi ng 29-anyos na aktor na bumida sa Korean dramas na While You Were Sleeping, I Can Hear Your Voice at Doctor Stranger ang mga personal na tanong sa kanyang Fan Meeting Tour Crank Up in Manila nitong Linggo, November 18, sa Araneta Coliseum. Nag-perform din siya para sa fans.
“It is my first time to greet you guys but thank you for greeting and welcoming me with a very hot passion,” sabi ni Lee Jong Suk sa audience na dumalo sa event, na hosted ni Giselle Sanchez, isang certified fan ng aktor.
Ayon sa star, dumating siya sa ‘Pinas na “feeling excited and nervous because it’s my first time to see my Filipino fans and also, Manila is the last stop for my Crank Up tour.”
Dagdag pa niya, nagpapasalamat siya at nasorpresa nang makita niya ang fans na isinisigaw ang kanyang pangalan, paglapag pa lamang niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Hindi ito ang unang beses na bumisita si Lee Jong Suk sa bansa. Noong August 2013, nagpunta siya sa Davao para i-shoot ang pelikulang No Breathing.
Sa kalagitnaan ng fan meet, sinagot niya ang mga tanong tungkol sa kanyang personal na buhay.
Nang tanungin kung paano niya hina-handle ang stress, sabi ni Lee Jong Suk: “I usually release my stress by eating delicious food. But now since I’m entering a new drama, I can release my stress in that way. But I think meeting my fans like this is helping me release my stress.”
Bibida siyang muli sa drama na Romance is a Supplement, kasama ang aktres na si Lee Na-young, na nakatakdang iere sa susunod na taon. Sa November 27, eere na ang drama niyang Death Song sa Korean channel SBS.
Ngayong taon ang ika-30 kaarawan ni Lee Jong Suk (in Korean age) at dahil dito, aniya, sinusubukan niyang mas maging mature.
“I have a lot of thoughts and concerns. Also I met my fans during the fan meetings and also, I was thinking about what to do with my next projects,” aniya, at sinabing magpapahinga muna siya sa susunod na taon.
Sinimulan ni Lee Jong Suk ang kanyang acting career noong 2010 at mula noon, ay marami na siyang nagampanang role sa mag drama at pelikula.
“I think the most memorable character, well, because it’s the last one, it’s my character in While You Were Sleeping.” Umere ang drama mula September hanggang November noong nakaraang taon at dahil din dito kaya nakasungkit si Lee Jong Suk ng acting award sa SBS Drama Awards.
“You guys are the best,” sabi ng aktor sa kanyang Pinoy fans. “I know this is the last stop and my last fan meeting but I’m so glad that I was able to do it here in Manila. I want to thank you guys for giving me such good memories to bring back home. And I will see you guys with better projects.
“I think this will forever stay in my memories so thank you and I love you guys. I know you guys are worried because of the bad incidents that kinda happened and I was also scared myself. Anyway, I’m so grateful to have been able to see you guys. It was really a good decision to come here.
“I won’t forget the warm love and support for me. I don’t know when we will be able to see each other again. Even then, I still love you and I’m so, so thankful,” dagdag pa ni Lee Jong Suk kasabay ng pamamalaam niya sa fans.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post din siya: “Thank you, Manila” at nag-upload ng video ng fan meeting.
Ang 2018 Lee Jong Suk Fan Meeting Tour Crank Up sa Manila ay naisagawa dahil sa YNK Entertainment at PULP Live World.
-JONATHAN HICAP