ISANG freelance model mula Olongapo City ang kinoronahang Miss Econest 2018 sa coronation ng naturang event, kahapon.

MISS ECONEST 2018 WINNERS Nagwagi sina (mula kaliwa) Leandrea Batingan, 2nd runner-up; Christine Juliane Opiaza, Miss Econest 2018; at Nicole Minano, 1st runner-up sa Miss Econest 2018 pageant, na ginanap sa Subic Convention Center sa Zambales, kahapon ng umaga. (ROBERT R. REQUINTINA)

MISS ECONEST 2018 WINNERS Nagwagi sina (mula kaliwa) Leandrea Batingan, 2nd runner-up; Christine Juliane Opiaza, Miss Econest 2018; at Nicole Minano, 1st runner-up sa Miss Econest 2018 pageant, na ginanap sa Subic Convention Center sa Zambales, kahapon ng umaga. (ROBERT R. REQUINTINA)

Ginanap sa Subic Convention Center, sa Zambales, tinalo ni Christine Juliane Opiaza ang 16 iba pang kandidata na nagtunggali sa pageant title. Siya ang napiling maging kinatawan mga ng kababaihan na magpo-promote ng environmental awareness, partikular na sa wastong solid waste management.

Tampok sa pageant ang paggamit ng mga recycled o upcycled material bilang bagong status symbol para sa mga elite.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Waging First runner-up honor si Nicole Minano, ng Romblon; habang si Leandrea Batingan, ng Bulacan, naman ang tinanghal na 2nd runner-up.

Ang mga nakasungkit naman ng special award ay sina Sheena Zaldivar ng Dapitan City, para sa Miss Congeniality; at Best In Evening Gown; at Miss Photogenic naman kay Leandrea.

Samantala, inihayag ni Coeli Fiel, pangulo at CEO ng Econest at ang over-all pageant chairperson, na bahagi ng abokasiya ng Miss Econest pageant ang promosyon ng wastong solid waste management.

Ang timpalak ay inorganisa at ini-promote ng Econest Waste and Management Corporation sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan ng Bataan. Ang iba pang miyembro ng grupo ay sina are Atty. Riza Lumbera, head, finance committee; Atty. Sos Sian, head, Secretariat and Overall Logistics and Operations; Atty. Jui Tongco, head, creatives; Estien Quijano, direcfor, fashion and style; at Concon Sinel, fashion director.

Sinabi rin ni Coeli na ang bahagi ng nalikom na pondo ng event ay mapupunta sa panukalang Ecoguardians Foundation, isang non-profit organization ng mga boluntaryo mula sa iba’t ibang sektor gaya ng mga senior, kabataan, solo parent, mga taog may kapansanan, barangay health worker, mangingisda, at iba pa na mga epektibong katuwang ng local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng wastong solid waste management.

Sa pamamagitan ng Foundation, plano rin ng Econest na magtayo ng Shelter for Abused Women and Children sa lupang nasasakupan ng Hermosa Sanitary Landfill Facility. Ito ay paglalayong makapagtaguyod ng lugar o pasilidad na puwedeng hasain ng mga kasapi ang kanilang kakayahan at abilidad sa pagre-recycle at upcycle ng mga kapaki-pakinabang pang basura, gayundin, upang maging therapy sa mga biktima ng pang-aabuso, bullying at human trafficking.

-ROBERT R. REQUINTINA