TAMPOK ang mga premyadong cue masters ng bansa na sasarago sa Senator Emmanuel D. Pacquiao 40th Birthday 10-Ball Tournament sa Disyembre 5-10 sa Verenza Mall sa General Santos City.

Ayon kay tournament organizer Elman “Aries” Sacayanan, masisilayan sa 10-ball event ang two division tournament -- singles at doubles competition.

Aniya may cash prizes na naghihintay sa mga magwawagi kung saan ang magkakampeon sa singles competition ay mag-uuwi ng P500,000 habang nakalaan naman sa runner-up place ang P200,000.

Nakalatag naman ang magkakampeon sa doubles competition ang P700,000 habang ang second place naman ay tatangap ng P400,000.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Ang registration fee para sa singles competition ay P3,000, at sa doubles competition naman ay P6,000.

Sa detalye mag call o text kay Sacayanan sa kanyang mobile number: 0915-570-1228 para sa dagdag detalye