IDENTIFIED ang pangalang Shirley Halili-Cruz sa mundo ng ballet, na mula pagkabata ay kinahiligan na niya. Ito ang greatest passion niya at ang advocacy niya ay maging daan ang ballet upang makipag-ugnayan sa iba’t ibang kultura ng ibang bansa.
Nagmistulang tribute ang pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ni Shirley sa Marquee Places and Events sa Global City nitong Sabado. Dinaluhan ito ng malalapit niyang kaibigan na ang hangad para sa kanya ay good health at happiness at more success para sa kanyang advocacy.
Nagsimula sa Meralco theater ang grand celebration niya sa pamamagitan ng pagtatanghal ng dance presentation mula sa vacious dance troupes sa buong bansa. Bawat isa ay may espesyal na dance number na inialay kay Mommy Shirley.
Binuksan ang show with the Halili Cruz School of Ballet doing excerpts ng Prelude ala Danse Vida. Ang interpreetasyon ng Seize the Day na mula sa Halili Cruz Conservatory.
Ang iba pang dance groups na nag-perform at nagbigay ng kasiyahan sa lahat (kabilang na sina Crispina Belen, Isah Red at ang inyong lingkod) ay ang Sinukuan Kapangpangan Center for the Arts, Pampanga, UP Dance Company, Annie Divinagracia Santorio School of Performing Arts, Iloilo, J Crisis (hiphop) St. Louis University, Baguio, UST Salangawi Dance Groupe, LPU Lahing Batangas Dance Troupe, PNU Kislap Sining
Dance Troupe, Melungos Dance Ensemble, Pagadian at Bayanihan, at National Folk Dance Co. of the Philippines.
A dance of joy mula sa young dancers ng Halili Cruz School of Ballet ang bumungad sa mangiyak-ngiyak na celebrant habang sumasayaw sa saliw ng soundtrack ng The Sound of Music.
-REMY UMEREZ