CHICAGO (AFP) – Pinasigla ng mapait na laban sa US Supreme Court justice nominee, libu-libong kababaihan ang inaasahang magmamartsa ngayong Sabado sa Chicago para maagang bumoto sa midterm election laban sa ‘’anti-woman agenda’’ ng administrasyon ni President Donald Trump.

Ang protesta na inorganisa ng Women’s March Chicago ay bahagi ng pagkondena sa kumpirmasyon ng nominee ni Trump na si Brett Kavanaugh sa pinakamataas na korte ng bansa sa kabila ng mga alegasyon ng sexual assault.

Magaganap ang mga martsa bago ang November 6 midterm elections, kung kailan maaaring maagaw ng Democrats ang kontrol ng lower house ng Congress mula sa Republicans.

Magkakaroon din ng kaparehong martsa sa iba pang estado kabilang sa Texas, Georgia at South Carolina.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

‘’Women are very upset over the Kavanaugh confirmation and are fired up to vote,’’ ani Women’s March Chicago spokeswoman Harlene Ellin.

Matapos ang rally at martsa, didiretso ang protesters sa early voting locations sa downtown Chicago para bumoto.

Pagkatapos ng Chicago, sunod na magmamartsa ang Los Angeles at New York.