TOKYO (AFP) – Pinasinayaan ng Japan kahapon ang planong akitin ang mas marami pang banyagang blue-collar workers, sa paglaban ng world’s number-three economy sa kakulangan ng manggagawa dulot ng tumatanda at lumiliit na populasyon.

Iniulat na layunin ng plano na mapunan ang malaking kakulangan sa mga sektor tulad ng agrikultura, nursing, construction, hotels at shipbuilding.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang foreign nationals na may skills sa mga larangan na nahaharap sa shortages ay bibigyan ng limang taong working visa.

Ang foreign workers sa mga larangang ito na may mas mataas na kuwalipikasyon at papasa sa Japanese language ay papayagan ding dalhin ang kanilang mga pamilya at maaaring makakuha ng permanent residency status.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sinabi ni government spokesman Yoshihide Suga sa reporters kahapon na isusumite ang panukala sa parliament ‘’at the earliest possible time,’’ at posibleng ilulunsad sa Abril.