Hinikayat ng isang retiradong obispo ng Simbahang Katoliko ang mga mamamayang nakakaangat sa buhay na tumulong sa mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang pasahod sa mga manggagawa.

Ito ang panawagan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa harap ng patuloy na pagtaas ng inflation rate na nagresulta sa pagmahal ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

“Kapag ka ganyan na tumataas ang inflation rate sa bansa natin yung ating mga kapatid na nakaangat sa buhay, tulungan naman nilang itaas ang naibibigay nila sa mga ordinaryong manggagawa i-adjust ang salary,” himok ni Bacani, sa panayam ng Radio Veritas.

-Mary Ann Santiago
Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal