DOHA (AFP) - Inaprubahan ng Qatar ang panukalang batas na nagbabasura sa kontrobersiyal na exit visa na inoobliga ang lahat ng mga banyagang manggagawa na kumuha sa kanilang employers ng permiso para umalis ng bansa, ayon sa mga opisyal na pahayag na inilathala nitong Martes.

Mayroong 2 milyong foreign workers sa Qatar, karamihan ay nagtatrabaho sa infrastructure projects para sa football World Cup, na gaganapin sa emirate sa 2022.

Sa ilalim ng Law No. 13, limang porsiyento (5%) na lamang ng puwersa ng paggawa ng bawat kumpanya -- nasa most senior positions -- ang kailangan pa rin ng permiso para umalis sa Qatar.

Ang batas na nagbabago sa “regulating the entry, exit and residency of expatriates” ay inisyu bilang Emiri decree ng ruler ng bansa na si Sheikh Tamim bin Hamad al-Thani, iniulat ng Qatar News Agency.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Walang ibinigay na detalye ang gobyerno at hindi pa malinaw kung kailan magkakabisa ang bagong batas.

Ipinahayag din nitong Martes ang isa pang Emiri decree para sa mga bagong patakaran sa mga nagnanais na maging permanent residents sa Qatar. Ito ay kinabibilangan ng mga naninirahan sa Qatar sa loob ng 20 taon, may magandang reputasyon at marunong sa Arabic language.