BINARIL at binawian ng buhay ang aktres na si Vanessa Marquez, na kilala sa kanyang pagganap bilang nurse sa ER, kinumpirma nitong Biyernes ng South Pasadena Police.

Vanessa Marquez (Vanessa Marquez via AP)
Vanessa Marquez (Vanessa Marquez via AP)
Ayon sa Variety, nakatanggap ng tawag ang pulisya, na rumesponde sa bahay ni Vanessa sa 1100 block ng Fremont Avenue. Landlord ng inuupahang bahay ang tumawag sa mga pulis, para umano tiyakin ang sitwasyon ng aktres.

Nakarating ang mga pulis sa bahay bandang 12:00 ng tanghali, at nadatnan nilang nangingisay at walang magawa para sa sarili si Vanessa. Tumawag ng paramedics at isang mental health clinician ang mga awtoridad, at kinausap nila ang aktres. Pagkaraan ng 90 minuto, naglabas si Vanessa, 49, ng isang BB gun at itinutok ang ito sa mga pulis, kaya napilitan ang mga itong magpaputok, sabi ni Lt. Joe Mendoza.

Ang South Pasadena, isang munisipalidad na hiwalay sa kalapit na Pasadena, ay walong milya ang layo sa kabayanan ng Los Angeles.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Inihayag ni Mendoza sa mga mamamahayag na mukhang may “mental problems” si Vanessa at “gravely disabled.”

Gumanap siyang si Ana Delgado sa pelikulang Stand and Deliver na pinagbibidahan ni Edward James Olmos noong 1998, at lumabas siya sa 27 episodes ng ER bilang si Wendy Goldman. Napanood din siya sa series na Malcom & Eddie at Wiseguy.

Noong Oktubre nang nakaraang taon, tumulong umano ang co-star na si George Clooney na i-blacklist si Vanessa sa ER, nang magreklamo siya ng racial discrimination at sexual harassment.

“Clooney helped blacklist me when I spoke up abt harassment on ER. ’women who dont play the game lose career’ I did,” post niya sa Twitter.

Nag-isyu naman ng pahayag si George nang panahong iyon na wala siyang kinalaman sa casting ng show.

“I had no idea Vanessa was blacklisted,” sabi ni George. “I take her at her word. I was not a writer or a producer or a director on that show. I had nothing to do with casting. I was an actor and only an actor. If she was told I was involved in any decision about her career then she was lied to. The fact that I couldn’t affect her career is only surpassed by the fact that I wouldn’t.”

Nag-post din sa social media si Marquez na dumaranas siya ng immune disorders, kabilang ang celiac disease. Ilang beses niya ring binanggit na siya ay na-diagnose na “terminal,”at dumanas ng chronic pain, at nanatiling “homebound.”

Nagsalita rin si Marquez na hinipuan siya sa set ng ER bago pa man mailunsad ang #MeToo movement. Aniya, nagreklamo siya sa mga producer, ngunit tinanggal lang siya sa show.

“I was blacklisted and my career was over at 26,” post niya sa Facebook noong Enero 2017. “Why are women afraid to speak up ‘at the time?’ Because everything they’ve ever worked for is RIPPED away from them. For being a goddamn victim and expecting protection.”

Ibinunyag din niya ang kanyang problema sa kalusugan at sinabing, “(she was entering) that Norma Desmond stage that some actors do. Watching their old stuff on tv.”

“A person only has so much strength and I’m afraid I’ve used all mine up,” aniya. “Why couldn’t my dream have lasted for more than just those few years?”