Tinawag ni Russian President Vladimir Putin na “counterproductive and senseless” ang ipinataw na sanction ng US laban sa Moscow, matapos magbanta ang Washington ng mas maraming “economic pain.”

“Sanctions are actions that are counterproductive and senseless, especially against a country like Russia,” pahayag ni Putin sa isang press conference, kasama ang Finnish counterpart na si Sauli Niinisto sa Russian Black Sea resort ng Sochi.

Sinabi ni Putin na ang “problem” ay dumating hindi lamang mula kay US President Donald Trump, ngunit mula sa tinatawag nitong “the establishment”.

“I hope our American colleagues will realise that such a policy has no future and that we will start cooperating normally,” dagdag niya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Nanindigan naman ang mga opisyal ng Russia na hindi nararamdaman ng bansa ang anumang impact mula sa mga parusang ipinapataw ng US.